‘Di tulad ng iba na ‘di pa man sikat
Gerald Anderson, sobrang magiliw sa media!

NAKAUSAP NAMIN si Gerald Anderson sa kasalan nina Marco Alcaraz at Lara Quigaman at nagpaunlak siya ng mahabang panayam sa media na nandu’n. Hindi siya ‘yung tipong nangingilala sa mga press o TV networks or shows at hindi siya ‘yung tipong nagtatanong kung saan ba ito ilalabas o anong channel ba ang nag-interview sa kanya.

Say namin kay Gerald, “Kumusta ka na? Kasi halos isang taon na din na hindi tayo nagkakausap.” Sagot nito, “Oo nga eh, pero okay lang ako.”

Noong nagsisimula pa lang ang TV5, palagi naming nai-interview si Gerald kasama ang kanyang ka-love team pa noong si Kim Chiu. Present din kami noong grand launch ng kanilang teleserye kahit sa ELJ Building pa ang presscon, dahil hindi pa masyadong mahigpit noon ang ABS-CBN sa TV5.

Ngayong masyado nang umiiral ang network war, minsanan na lang namin natitiyempuhan si Gerald. Pero ‘pag nagkataon, nagpapa-interview ito sa amin. Hindi katulad ng dalawang hindi pa man masyadong sumisikat na personalidad, na akala mo’y regalo ng langit sa mga media people.

Hay naku, salamat sa kabaitan ni Gerald, kaya naman hindi ito napupulaan ng media na nag-iinarte. ‘Di ba XL and SY?

 

NANG MAKAUSAP namin si Daniel Matsunaga sa presscon ng Enchanted Garden noong nakaraang Linggo, sinabi niya na maganda si Alex Gonzaga at kikay. Gusto raw niyang makilala nang lubusan ang co-star sa serye at wala naman daw masama dahil pareho silang single.

Ayon pa sa kanya, “She’s so mabait and funny.”

Sa kabilang banda, naibulong namin kay Alex na nagagandahan sa kanya si Daniel at ang tanging nasabi naman nito, “Ang guwapo rin niya.”

Well, sana magkaroon ng magandang rapport ang dalawa sa set at wish naming uma-lagwa sa ratings ang Enchanted Garden.

 

HABANG NASA kumpulan kami sa may Emergency Room area ng Makati Med, nakausap namin ang mga kasamahan naming nagko-cover sa paglisan ni Mang Dolphy. At say nila sa amin, sabi raw ni Xian Lim sa kanila, ang kanyang RM (road manager) daw dapat ang magso-sorry sa mga media na inisnab nito kamakailan sa isang event.

Um-oo man daw ito sa aming kasamahan na magpa-interview after the event para sabay-sabay na ang lahat ng network,  bigla raw umayaw ang kanyang road manager para sa interview at wala na siyang magagawa.

Well, at least nagpakatotoo siya. Ang tanong, eh bakit sa isang party ay inisnab din daw nito si Vice Ganda? At sa isang out of town shows, bakit pinagtataguan diumano ni Xian ang mga gustong magpa-picture sa kanya?

Ay, naku! Marami pang kuwento ang magluluta-ngan tungkol sa pagiging ‘snub’ nitong si Xian. Ayaw ni Kim Chiu ng ganyan, ha?!
Sure na ‘to
By Arniel Serato

loading...

12 thoughts on “‘Di tulad ng iba na ‘di pa man sikat
Gerald Anderson, sobrang magiliw sa media!

  1. panu si xian lim ang tagal2 naghintay bago mapansin. kung hindi nman nakapatong kay vice at kay kim chiu hindi naman yan makikilala. dati nung panahon ng triangle nila ni erich at ej falcon, kunwari nililigawan si erich para makabuo ng loveteam. pero waley dahil natabunan sya ni enchong na bakla pa man din. ngayon palang sya nagtatagumpay dahil naging hero at tagasalo sya ni kim nung naiwan sa level ng loveteam2. si gerald kasi, naglevel up na as individual mature actor. uhaw na uhaw din kasi ang mga kriminalds na makatagpo ulit si kim ng sasalo sa kanya. kaya kahit obvious, pumapayag nalang silang gamitin si kim at pinapa-ride on nlang sa kasikatan si xian. pareho lang silang nag gagamitan. intindihin nyo na si xian. ang hirap kaya magpa cute ng maraming taon.

  2. XL SI XTRA LARGE AKA XIAN LIM
    SY SI SCHOOL YEAR AKA SLATER YOUNG..
    Feeling q mas mayaBNg pa c SY kesa ke XL..FEELING KO LANG..

  3. PANU KASI ANG KAKAPAL NYONG MGA TAGA TV5 MASYADO KAYONG GARAPAL SA MGA PANINIRA SA MGA SIKAT AT BIGATING ARTISTA NG ABS CBN TAPOS KAYO PANG MAKAKPALA NG MGA MUKHANG TAGA TV5 ME GANANG MAGTAMPO AT MANIRA MGA ULOL KAYO TITIGAS NG MGA APOG NYO YUNG MGA UNKNOWN STARLETS AT TALENTLESS AT BASURA NYONG MGA PALABAS ANG IBALITA NYO MGA GAGO HUNGHANG KAYO! LALO NA YUNG DEMONYANG SI LUCYPERAMIN!

  4. Masyado k nmng bitter pgdating ke xian ang usapan!! No wonder kya nghhigpit ang abs lalo n s mga taong from tv5, dahil puro paninira lng ang ginagawa nyo! Palibhasa wlang maisulat n STARS from tv5 e. Umasa k png mghhit tong Enchanted Garden e ang pangit2x nmn ng lead player!

  5. KUNG LILIGAWAN NI DANIEL C ALEX ABAH SAGUTIN NA NYA KC WALA NG GAYA NI DANIEL NA PAPATOL SA KANYA SA ICHURA NYA NA YAN. BWAHAHAHAHAHAHA

Leave a Reply

Your email address will not be published.