‘Di tatakbo sa 2016: Miriam, walang pera

NILINAW NI Senator Miriam Defensor-Santiago na hindi ang sarili niya ang tinutukoy niya nang sabihing babae ang dapat na maging susunod na pangulo ng Pilipinas.

Sinabi ng senadora na makabubuti kung isa sa mga babaeng kasamahan niya sa Senado ang magiging susunod na presidente gaya nina senador Cynthia Villar, Grace Poe, Pia Cayetano at Loren Legarda.

Ayon pa sa mambabatas, maaari rinG alinman sa mga kasapi ng Kamara.

Inihayag pa ni Santiago na hindi naman siya nadawit sa PDAF scandal kaya wala siyang pera para suportahan ang pagtakbo sa pagka-presidente.

“My main problem is I don’t have money. Period,” pahayag pa ng senadora.

Hindi rin aniya siya naghahanap ng trabaho dahil naghihintay pa rin ang International Criminal Court para sa mambabatas kung saan ito inaasahang magiging isang hukom.

 (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

7 thoughts on “‘Di tatakbo sa 2016: Miriam, walang pera

  1. KUNG PWEDE NGA LANG SI MIRIAM ANG GUSTO KONG MAGING PRESIDENTE, KASO WALANG BUDGET SI MADAM, BAKA NAMANG PWEDENG KUMUHA NG SPONSOR? HEHE

  2. ayos ang mga nabanggit ni miriam santiago na tumakbo sa susunod na halalan. sa tingin ko mapagkakatiwalaan sila.

Leave a Reply

Your email address will not be published.