‘Di raw totoo ang isyu sa kanila ni Hayden Kho Nancy Castiglione, masaya pa ring kasama ang partner at kambal na anak

NGAYONG UMAGA mismo ang uwi ni Aga Muhlach mula sa taping ng kanyang show na Pinoy Explorer sa Rome, Italy.

Umalis ng bansa ang mahusay na aktor nu’ng nakaraang Miyerkules, March 7, lang.

Uuwi muna sa kanilang tahanan sa Alabang ang mister ni Charlene Gonzales para magpahinga at makasama ang kanyang asawa at mga anak na sina Andres at Atasha bago ito tumungo ng Meralco Theater sa hapon para mag-host ng 28th PMPC Star Awards for Movies, kung saan din ito nominated para sa Best Actor category para sa pelikulang In The Name of Love na una nilang pinagsamahan ni Angel Locsin nu’ng isang taon.

 

GRABE ANG pagka-generous at thoughtful ni Claudine Barretto sa dalawa nitong personal stylist na in charge sa mga isinusuot na damit ng aktres sa kanyang mga nilalabasang shows at pictorials.

Masayang ikinuwento kasi ng dalawang personal stylist ni Claudine nang makasalubong namin ang mga ito sa ABS-CBN compound na pinasalubungan daw sila nito ng tag-isang Prada bag at Jo Malone perfume mula sa bakasyon nila ng asawang si Raymart Santiago sa Europe nu’ng early February lang.

Bukod d’yan, lagi rin daw sobra kung magbayad ng fee nila for their services si Claudine.

 

NAKAUSAP NAMIN nu’ng Lunes ng gabi ang manager ni Nancy Castiglione na si Arnold Vegafria over the phone.
Sinabi ni Arnold sa amin na huwag paniwalaan ang issue na may namamagitan sa kanyang alaga at si Hayden Kho.
Nakausap pa raw ng talent manager ang ex-boyfriend ni Dra. Vicki Belo at pinabulaanan nito ang issue.
Sa katunayan, magka-kakilala pa nga raw sina Hayden at ang non-showbiz partner ni Nancy.
Hanggang ngayon ay masayang nagsasama pa rin daw sina Nancy at ang kanyang partner with their twin boys, dagdag pang tsika ni Arnold.

CONGRATULATIONS TO Iwa Moto dahil isa s’ya sa finalists sa Sexiest Woman in the World this 2012 ng FHM!
Kalaban ng sexy star ang mga naggagandahan at nagse-seksihan ding personalities around the world, kaya tulungan nating masungkit ni Iwa ang No. 1 slot, o kahit mapabilang ito sa listahan ng Top 100 na pinaka-seksing babae sa buong mundo this year by voting online thru this link – http://www.fhm.com/girls/covergirls/iwa-moto/gallery – then press vote for Iwa Moto.
Voting is until march 29. Maraming salamat po!

 
Franz 2 U
by Francis Simeon

loading...

8 thoughts on “‘Di raw totoo ang isyu sa kanila ni Hayden Kho Nancy Castiglione, masaya pa ring kasama ang partner at kambal na anak

  1. tignan mi hitsura mo Nancy e maganda pa sayo si Swarding…Mukha ka talagang CHUPARERA na inuubos yong tamod sa kakasipsip….mukha kang BAKLA>tanginamo sama mo na si Patrick…yong kapatid mong bansot!PUTA nakakainis!fuk u and Hayden…

  2. wow may positve write up si claudine??!! hindi ako makapaniwala! hahahahaha

    .

    buhay pa pala ang showbiz career ni aga? akla ko retired na sya, wala na kasi akong balita sa kanya.

    .

    tama na ang issue kay nancy castiliogne, nakakasuya na. another starlet na naman kasi.

Leave a Reply

Your email address will not be published.