‘Di raw sila nagli-live in
Heart Evangelista at Chiz Escudero, magkasintahan lang daw talaga

NASA SPAIN pala ang magulang ni Heart Evangelista at medyo matagal-tagal daw sila roon nagbakasyon.

Kaya wala sila rito nang lumabas ang Esquire magazine na kung saan nasa cover si Heart na napaka-sexy, ha!

Nu’ng kamakalawa lang, nagpa-presscon din si Mother Lily para kay Sen. Chiz Escudero, na hindi maiwasan siyempre, tungkol kay Heart ang tinatanong dahil showbiz press ang kaharap niya, eh.

Balik tayo du’n sa Esquire magazine ni Heart, sabi naman ni Sen. Chiz, bago raw pumutok ang gulo nila sa magulang ng aktres, alam na raw ng Mommy ni Heart ang tungkol sa sexy pictorial na ‘yun.

Pagdating naman daw sa kanya, wala naman daw siya sa lugar para makialam sa career ng aktres. Wala naman daw siyang nakitang pangit sa pictorial na ‘yun kaya okay lang daw sa kanya.

Itinatanggi rin ni Sen. Chiz na nagli-live in sila ni Heart pero madalas daw silang nagkikita.

Akala nga namin nand’un din si Heart sa presscon ni Sen. Chiz, pero hindi raw talaga ito pupunta.

Usapan daw nila ng ni Heart na hindi ito sasama sa kanya sa pangangampanya at kahit saang venue na may kinalaman sa kanyang kandidatura, hindi raw ito kasama.

Sa gitna ng gulo sa pamilya, mas lalong tumatag at mas naging matibay daw ang relasyon nila ni Heart kaya masaya raw sila. Pero sa ngayon ay talagang magkasintahan lang daw sila at hindi pa raw napapag-usapan ang mag-settle down.

Nakakatuwa nga si Sen. Chiz dahil talagang ginagamit pa niya ang salitang “kasintahan” kaya nakakantiyawan na ito.

Anyway, mukhang happy nga si Heart pero tahimik lang ito at ayaw na niyang magsalita pa dahil may ginagawa naman daw sila para maayos na ang problema nila sa kanilang pamilya.

 

NAPAGOD NA rin daw ang mga reporters sa kasusubaybay sa away ng pamilya Barretto na lalo pa yatang lumalala sa ngayon dahil baka umabot na ito sa demandahan.

Kinukulit ng mga taga-Startalk si Mommy Inday at pati ang anak nitong si Jay Jay na kumakampi kay Gretchen, pero hanggang sa pagbigay lang ng statement ang nagagawa nila.

Ayaw nilang magpa-interview sa Startalk sa harap ng TV at ayaw naman daw nilang lumaki pa ito nang husto.

Pero ang dami nang nakisawsaw, kaya sabi ni Mommy Inday, hindi naman daw ito world war. Kaya hayaan na lang daw sila at kung ano man daw ang desisyon nila sa gulong ito, sa pamilya na lang daw ‘yun.

Pero sa mga nakikisawsaw, pinapatahimik na lang daw ni Mommy Inday dahil problema raw ito ng pamilya.

Naloka nga ako dahil ipis ang tawag nito kay Tanya Montenegro na nakikialam daw sa gulo nilang pamilya.

Ewan ko nga! Mabuti nga sigurong manahimik na lang sila, day!

Abangan n’yo na lang sa Startalk bukas ang follow-up story namin sa gulong ito.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

4 thoughts on “‘Di raw sila nagli-live in
Heart Evangelista at Chiz Escudero, magkasintahan lang daw talaga

  1. SUPER LASPAG NA YANG SI HEART…KAYA DI NA KAILANGAN PANG SUYUIN. PWEDE PANG MOTEL LANG….LIKE A VIRGIN…HA HA HA.

  2. Mabait naman si Chiz kaso lang bakit di niya suyuin and payrents ni heart sabi nga ni sen merriam..

Leave a Reply

Your email address will not be published.