‘Di raw naman kasi sila nagkaroon ng relasyon
Rocco Nacino, itinangging nag-break sila ni Sheena Halili

SA NAKARAANG Christmas party ng GMA 7 for the press, agad naming hiningan ng reaksyon si Rocco Nacino sa lumalabas na balitang break na raw sila ni Sheena Halili, kung saan naituturong si Lovi Poe raw ang rason ng kanilang paghihiwalay.

Balitang pinagselosan daw ng aktres ang kapareha ni Rocco sa Yesterday’s Bride dahil sa sobrang closeness na nakikita sa kanilang dalawa on and off camera at madaals din silang nakikita ni Lovi na lumalabas.

Agad namang nabigay ng pahayag si Rocco na walang katotohanan ang lumabas na balita, dahil unang-una ay hindi naman sila nagkaroon ng relasyon ni Sheena higit sa pagiging magkaibigan, kung kaya’t paanong mangyayari na magbi-break sila.

Ayon kay Rocco, wala namang nabago sa pagkakaibigan nilang dalawa ni Sheena dahil tuloy pa rin ang kanilang komunikasyon. Hindi na nga lang sila nagkikita, dahil pareho silang abala sa kani-kanilang mga trabaho, bukod pa aa may mga iba rin siyang mga bagay na pinagkakaabalahan tulad ng kanyang ipinatayong gym, ang Elorde Ortigas.

Sa balitang nakikitang madalas daw silang lumalabas ni Lovi, ‘di naman idinenay ni Rocco na totoong lumalabas sila ng kapareha. Minsan sila lang o minsan ay may kasama silang mga kaibigan. Pero hindi rin totoo na nililigawan niya si Lovi gaya ng nababalita.

Ikinuwento ni Rocco na tatlong taon na silang magkaibigan ng aktres bago pa man silang nagkasama ng kapareha sa isang proyekto at nakatulong nang malaki ang pagtatambal nila ni Lovi para higit silang maging close.

Hindi naman nagsasarado ng pinto sa posiblidad na maaaring mauwi sa relasyon ang pagkakaibigan nilang dalawa ni Lovi, naniniwala si Rocco na kung mangyayari ang isang bagay, kusa itong mangyayari at ‘di dapat pilitin.

Masaya sa mainit na pagtanggap ng tao sa Yesterday’s Bride, kung saan balitang mataas ang ratings nito, para sa aktor ay alam niyang mas kaya pang itaas ang lebel ng nasabing serye kung saan kahit may pressure sa parte nila ay magandang pressure naman ito para higit nilang pagbutihan ang kanilang trabaho.

 

GUSTO NAMING magpasalamat sa ABS-CBN, TV 5, Sisterakas, GMA 7, Atty. Ferdinand Topacio, sa Christmas parties na ibinigay ninyo para sa press. Ang ganitong mga pagkakataon ay nagparamdam sa amin ng mga kapatid ko sa panulat na parte kami ng anumang tagumpay na tinatamasa ninyo at pinahahalagahan ninyo kung anumang tulong ang naibibigay namin sa inyo.

Maraming, maraming salamat at Maligayang Pasko sa inyong lahat!

Maiba Lang
By MELBA R. LLANERA

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.