‘Di raw nagpapabango sa publiko
Willie Revillame, walang balak tumakbo sa eleksiyon!


HANGGANG NGAYON, patuloy pa rin ang pagsuporta ni Willie Revillame sa ating mga kababayan na nangangailangan ng tulong. Katunayan nga, ‘yung mga binaha sa iba’t ibang parte ng Metro Manila ay namahagi siya ng relief goods sa tulong ng production staff ng Wil Time, Bigtime. Tatlong araw ba namang walang tigil ang ulan kaya’t lumubog sa baha ang Kamaynilaan.

Tahimik ang ginagawang pagtulong ni Wiilie sa mga kapus-palad. Hindi niya kailangang ipa-press release para bumango ang kanyang pangalan. Ibinabalik lang ng TV host/ singer sa mga tao ang blessing na natatanggap niya galing sa Panginoon. Hindi raw siyang magsasawang magkawang-gawa habang siya’y na-bubuhay. Ito raw ang pangako niya sa kanyang sarili. Iba raw ang pakiramdam na marami siyang natutulungan nating mga kababayaan.

Inamin ni Willie na hindi siya tatakbo sa darating na eleksiyon kaya’t tigilan na raw ang intrigang nagpapabango lang siya sa publiko. Ang Wil Time, Bigtime, maging ‘yung ibang show ng controversial TV host ay inaalay niya sa publiko.

“Ang show namin ay ginawa para magbigay-saya at ligaya sa ating manonood at makatulong sa ating kapwa,” say niya.

 

KUNG ANG mga artistang involved sa Protégé: The Battle for the Big Artista Break ay may kanya-kanyang paborito, ganu’n din ang mga reporter. Outstanding para sa amin si Jeric Gonzales, 19 years old na taga-Calamba. Iba ang dating niya on stage compared sa ibang aspirants. Sabi nga ni Joey de Leon, may ‘eat’ ang guwapong binata na kagigiliwan ng fans.

Inamin ni Jeric na taken na siya at very supportive ang kanyang girlfriend sa pagpasok niya sa showbiz. Hindi magiging hadlang sa relationship nila kung sakaling maging big winner siya. “Bata pa lang ako, pangarap ko nang maging artista kaya active ako sa extra-curricular activities sa school. This time, I’ll do my best para sa big break na ito ng GMA-7,” say niya.

Kumusta naman si Gina Alajar as your mentor? “Seryoso po siya pagdating sa workshop namin. Ang galing po niya as an actress. Marami kaming matututunan sa kanya pagdating sa acting.”

Pumapangalawa sa listahan namin si Bryan Benedict, 21 years old from Cebu. Mayroon siyang certain aura na nakita namin habang rumarampa on stage. Matagal na niyang pa-ngarap na maging artista kaya’t nang magkaroon ng artista search ang GMA-7, agad niyang pinaghandaan ito. May mga teleserye na rin siyang nagawa sa Kapuso Network, maliit nga lang ang role. “Sa pamamagitan ng “Protégé, made-develop ang acting talent ko bilang isang mahusay na artista at bilang isang tao,” wika nito.

Nakatawag-pansin sa amin ang bagets na si Mikoy Morales, 18 years old, Roxas City. Nag-aaral sa La Salle Taft, cute ang dating niya lalo na nu’ng makausap namin. Kapansin-pansin ang confident sa sarili, marunong magsalita at kayang-kaya dalhin ang sarili. Alam ang sinasabi at determinadong maging isang sikat na artista. “My burning passion bought me here. And when this opportunity came, I took it right away,” wika ni Mikoy.

Bukod sa pag-aartista, isa rin palang maga-ling na singer si Mikoy. Inawitan niya kami nang mala-Broadway song na lalong ikinabilib namin sa kanya. He got the looks, the talent pero worried siya sa kanyang height. ‘Yun nga po, maliit lang ako compared sa mga kasamahan ko na puro matatangkad, ako lang ang maliit sa kanila,” aniya.

 

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

loading...

11 thoughts on “‘Di raw nagpapabango sa publiko
Willie Revillame, walang balak tumakbo sa eleksiyon!

  1. hahahaahaha ang mga pasaway naglabasan na rin,tama si tirador galit kyo kasi solid kapamilya kyo,hayyy kaya laging binabaha hanggang ngayon ang sasama ng ugali ninyo dahil lang sa network ang daming naghuhusga kung wla kayong itulong pera bat ndi ninyo na l;ang tinulungan iyong mga nasalanta gaya ng bayanihan kahit wlang bayad ndi ninyo kaya ang alam ninyo lang ay manhusga dba tirador ndi ako maka willy pero biblib ako at tumutulong dahil nga marami siyang itutulong korek si tirador puro gago nga kyo..hahahaha puro galit ..dapat kyo na lang bahain hjahahah

  2. “Tahimik ang ginagawang pagtulong ni Wiilie sa mga kapus-palad. Hindi niya kailangang ipa-press release para bumango ang kanyang pangalan.”

    e bakit mo sinulat dito? ano ba tawag mo dito? hindi ba “praise release” ito? kayo talagang mga bayarang writer, manang-mana talaga kayo sa nag-iisang reyna ng kadiliman na si cristy lucy fermin. hindi daw kailangang ipa-press release huh! mabuti pa halinhinan nyong himurin ni cristy ang p*wet ni willie manyak para bigyan din kayo ng willpon, ng dyaket at ng kung ano-ano pang pampauto ng audience.

    • tama ka dyan..sana hindi na alam?tanga ka pala eh YUNG HAMBOG NAYAN, kahit ano gawin mo papabango sa pangalan mo eh kilala kana namin, isa kaang BABOY WELLIE pakitang tao lang yan ginagawa mo kilala kana namin TANGA BWESIT KA

    • ANAK NG PATING, KAPAG MAY CAMERA SASABIHIN NYO PLASTIKADA NGAYON NAMANG WALANG CAMERA KUNWARI LANG. PUTANG INA, PUMILA KA NA LANG KESA MAGREKLAMO KA. MABUTI NGA AT TUMULONG SILA MGA ARTISTA ME CAMERA OH WALA KE PLASTIKADA O KUNWARI LANG.

      • anong akala mo sa amin?kahapon lang pinanganak?kilala na namin yan HAYOP NA WILLIE yan pakitang tao KUPAL NAYAN, HAMBOG SUBRA..

  3. at sino naman ang boboto sayo ha kung sakali?HAMBOG KANGA HOST KALANG PAANO NA KUNG MAY POSITION KA?
    kapal ng mukha mo willie HAMBOG, MAYABANG wala kang alam hinayopak ka buti nalang wala kana sa ABS ayaw namin sayo HAMBOG KUPAL HAYOP KA

  4. Aba, aba, mukhang nabuhay ang matagal na nananahimik na Willie Revillame!  Nag-iingay lang iyan para mapag-usapan muli.  Unti-unti na kasing nalalaos.

  5. as if naman kahit kumandidato si willie eh siguradong matatalo yan at kung manalo man, for sure kukwestyonin yan!

    i doubt rin kung sisikat ang mga winners ng protege, yung unang protege nga hindi sumikat, yan pang pangalawa? di ba natuto ang papalubog nang kapuso sa season 1 ng protege? ginawa ba namang winner ang isang singer na walang mass appeal at looks! pwede ba! hahahahahaha at ang mga future pa-booking at mga starlets na mga contestants nila dyan sa protege? well goodluck na lang, either mga pahada o magiging mga pokpok ang mga yan para lang kuno maging sikat! 

Leave a Reply

Your email address will not be published.