‘Di raw naging sila: Pauleen Luna, todo deny kay Dennis Trillo – Eddie Littlefield

PINAG-USAPAN ANG RELASYONG Pauleen Luna at Dennis Trillo na hindi nagtagal ay nauwi rin sa hiwalayan. Ang pagiging possesive daw ng actor ang naging dahilan ng kanilang paghihiwalay. Nang makausap namin si Pauleen agad namin siyang tinanong kung totoo nga split na sila ni Dennis.

“Paanong mangyayari ‘yun, never naman na naging kami? Yes, lumalabas kami, kumakain sa labas, gumigimik, we enjoy each other’s company, we’re friends. Naging busy lang kami pareho sa trabaho kaya  hindi na kami nagkikita.  Nagkakausap pa rin naman kami, nagtatawagan, nagkukumustahan, ganu’n. Priority ko kasi ang career ko and I’m thankful at marami akong project sa GMA-7,” seryosong sabi ni Pauleen na para bang walang mutual understanding na namagitan sa kanilang dalawa ng binatang ama. I’m sure, marami ang magtataas ng kilay sa pagdi-deny ng dalaga.

[ad#post-ad-box]

Ayon kay Pauleen, wala siyang kontratang pinirmahan  sa Kapuso network. “Yun nga ang maganda, kahit hindi ako contract star ng GMA ay hindi ako nawawalan ng project.  Ever since naman na lumipat ako dito sa Siyete, tuluy-tuloy ang paggawa ko ng soap, regular pa ako sa Eat…Bulaga! at ang dami ko pang corporate shows, provincial shows sa labas kaya happy ako sa takbo ng career ko,” pagmamalaking sabi ni Pauleen.

INAMIN NI JASON Abalos na malaki ang paghanga niya sa co-star na si Coco Martin sa bago nilang teleseryeng Nagsimula Sa Puso with Maja Salvador.

Huhusgahan ng publiko kung sino sa kanilang dalawa ang magaling umarte.

Ano ang feeling ni Jason na makaka-love triangle niya ang Prince of Indie Film? “Unang-una, fan ako ng indie films, si Coco, idol ko siya. Fan ako ni Coco sa mga nagagawa niyang indie films, ganu’n siya kagaling. Kung minsan, may ginagawa siya kapag napanood ko, ginagawa ko sa bahay, kaya ko ba ito? Kasi, aminin natin, sa Tayong Dalawa, hindi mabubuo ang Tayong Dalawa kung wala si Ramon. So, bagong artista ito, marami itong nalalaman, may matututunan kami rito, alam mo ‘yun, bagong utak.”say ng magaling na actor.

Sa tingin kaya ni Jason, sino sa kanila ni Coco ang magaling umarte? “Hindi ko iniisip kung sino ang magaling sa amin ni Coco. Basta ginagawa namin nang tama,  walang ilangan sa amin, walang pagalingan sa trabaho, magkaibigan kami, tulungan. Dito kasi, pati matatandang kasama namin tumutulong sa mga bagay na hindi namin nagawa, hindi namin kayang gawin,”

Alam nating walang limitation si Coco pagdating sa daring scenes, ganu’n din kaya si Jason ? “ ‘Yun ang maganda kay Coco…nagawa na niya nang maraming beses. Ako, unti-unti, hindi ko kayang biglain ang sarili ko, biglang tatalon sa ganitong role na hindi ko naman pala kayang gawin. Darating din, sa ginagawa ni Coco, idolo ko siya. ‘Yung ginagawa niya, mahirap gawin bilang artista. Sa trabaho wala siyang limitation, sa craft niya ginagawa niya ang mga ‘yun, nakabibilib,”pahayag ni Jason.

Willing  ba naman ang young actor na maghubo’t hubad sa pelikula like Coco? “Tingnan natin, pinaghahandaan ‘yan. Sa MMK namin ni Juday naka-brief  lang akong tumatakbo,” natatawang wika ni Jason.

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

loading...

3 thoughts on “‘Di raw naging sila: Pauleen Luna, todo deny kay Dennis Trillo – Eddie Littlefield

  1. CoCo
    I LoVe You pakasalan mo ko.

    Grabe kung walng Ramon talagang walang tayong Dalawa………..

    Miss You Nah ramon…………

  2. really?obvious naman bitter si pauleen. kasi nag break sila ng hindi inaamin na sila so nakakahiya naman sabihin na naging sila pala. nahuhuli naman sa bibig si pauleen minsan.

Leave a Reply

Your email address will not be published.