‘Di raw kumportable sa harap ng tao
Lani Misalucha, umaming nagpaayos ng mukha!

BALIK-PILIPINAS SI Lani Misalucha para sa na-lalapit niyang concert at sa audition ng bagong singing search ng TV5 na Kanta Pilipinas. Isa si Lani sa magi-ging judge ng show kasama si Rico Blanco at Ryan Cayabyab.

Kuwento ng Asia’s Nightingale sa panayam namin sa kanya recently, masaya niyang ibinahagi na blessing sa kanya ang pagkapili bilang hurado sa naturang show.

Lahad niya, “Alam mo ang nakakatuwa sa talent show na ‘to, dito ko nakita ‘yung iba-ibang talent. I’m just really happy to be part of Kanta Pilipinas while doing the taping. I am just happy for all the participants, iba-iba ‘yung makikita mo. I’m just really excited na ‘pag lumabas na ‘to na makita ng buong Pilipinas ang contest na ‘to.”

Dito na namin nilinaw kay Lani ang tungkol sa kanyang diumano’y pagparetoke.

Depensa niya, “I just did my teeth and then people thought I already did my nose and had this done. I’m starting with my teeth because it is necessary for us kasi lagi namang nakikita ‘yan sa TV. People are starting to have speculations.”

May mga lumabas ding intriga na diumano ay pinaayos niya ang kanyang ilong, bagay na nilinaw ng magaling na singer.

Kuwento niya, “I had it done in Las Vegas, it’s not a surgery or anything, there’s this technology na ini-inject lang, so I had something injected here, it’s not silicon or anything. That’s why nadagdagan ‘yung bridge ko.”

Naniniwala raw si Lani na bahagi ng kanyang trabaho bilang isang performer na maging presentable sa likod o harap man ng kamera. Paliwanag pa niya, “It is not for anything else but I really want to feel more comfortable in front of the camera and of course who doesn’t wanna look good.”

Sa huli, nagbiro naman ito na gusto raw niyang subukan ang malaganap na ngayong science innovation na stem cell. Pahayag niya, “You know what I’m so intrigue with the stem cell, if this is going to make us look better why not. I’d go for that especially if its free,” natatawa pa nitong sabi.

 

IPAGDIRIWANG NG breakthrough actor na si Edgar Allan Guzman ang kanyang 23rd birthday sa Game ‘N Go at sa Pidol’s Wonderland sa TV5 this Sunday. Kasabay ng pagdiriwang nito ay pasasalamat para sa pagiging number 1 ng kanta niyang “Hanggang Dito Na Lang” sa WOWFM Top Hits Countdown at para sa magkakambal na nominations para sa Broadway World Philippines at Aliw Awards for Best Actor sa dulang BONA. Na-ngunguna siya ngayon sa popular votes sa Broadway World awards at puwede pa siyang iboto sa pamamagitan ng pag-log on sa broadwayworldphilippines.com hanggang Dec. 15.

Isa pang kapaki-pa-kinabang na karangalan at responsibilidad nga-yong birthday niya ang ibibigay kay Edgar Allan bilang ambassador ng Anti-Drug and Pro-Sports programs ng Pasig kung saan na siya lumaki. Magkakaroon ng isang special basketball game kasama si Edgar at ilang kaibigan niyang celebrities at mga kabataan ng Pasig sa Sabado.

Si Edgar ay kasama rin sa cast ng Enchanted Garden at Lokomoko, and very soon, kabilang siya sa isang kaabang-abang na teleserye kasama ang Artista Academy winners na sina Vin Abrenica at Sophie Albert.

“Marami akong natutunan at pinagdaanan noong nakaraang taon. Kaya ngayong birthday ko, puro pasasa-lamat ang aking dasal na sa gitna ng lahat ng blessings sa buhay ko, pamilya at career ko ang aking focus, dahil gusto kong magtagumpay at manatiling ma-buting tao,” sabi ni Edgar Allan.
Sure na ‘to
By Arniel Serato

loading...

5 thoughts on “‘Di raw kumportable sa harap ng tao
Lani Misalucha, umaming nagpaayos ng mukha!

  1. BALONEY! hindi sya nagparetoke? sinong niloloko nya? kahit ang ngipin nya pangit ring tingnan at hindi natural at halatang fake. ang pangit na nya ngayon ha? halatang plastic na ang mukha nya.
    bagay nga sya sa avatar LOL!

  2. Sana magkaron ng sequel ang Avatar movie. Pwedeng pwede sa movie yang c Lani Misalucha. Mukha na cyang avatar sa totoo lang. Ayaw pa umamin na tlgang nagparetoke eh very obvious nmn.

  3. CIYA LANG NMAN MISMO ANG NAGSASABI NG MAGANDA ANG RESULTA NG PAG PAPARETOKE NIYA EH, sana tanungin ny yong mga taon tumitingin s kanya kong maganda nga b ang resulta, AYAW KONG MAMINTAS kso totoo lang SUMAGWA ITSURA NIYA mas magandang di hamak yong dati niyang face kesa ngayon, sabagay ok lang gusto ny yan itsura niya at kanya nman pera yong gnastos kaya ok lang, nagmukha cyang character ng pelikulang AVATAR.

Leave a Reply

Your email address will not be published.