‘Di raw kasi sila naging beautiful affair
Janice de Belen, parang sinampal ni John Estrada

MASAKIT ‘YONG statement ni John Estrada tungkol sa dating asawa na si Janice de Belen.

Hindi ang aktres ang maituturing niya na A Beautiful Affair (a new tele-serye ng aktor na nagsimula noong Lunes sa Primetime Bida ng Kapamilya Network) sa buhay kundi ang bagong misis niya na si Priscilla Meirelles.

Sabi ng ilang press people na nakarinig sa statement ni John, sampal ‘yun sa pagmumukha ni Janice, dahil ang pahayag ni John, masuwerte lang siya dahil magaganda ang bunga ng kanilang pagsasama. Magaganda ang kanilang mga anak. Other than that, walang dahilan para matawag na beautiful affair.

Akala namin, tapos na ang silent war between John and Janice. Akala namin, okey na ang dalawa at naka-move-on na sila pareho.

Pero with this statement, tila mabubuhay na naman ang kimkim na poot at hatred ni Janice sa dating mister.

Kung napapanood ninyo ang Showbiz Inside Report, alam mo na may kimkim pa ring sama ng loob ang aktres sa aktor. Janice do not want to talk about John kahit biruin man siya ng co-host na si Joey Marquez na bestfriend ni John.

 

WINNER SI Vin Abrenica sa nakaraang Artista Academy finals na ginanap last Saturday.

Malaki pala ang puntos ng text votes. Kung may datung ka at keri mong mag-send ng milyun-milyong text votes (if I am not mistaken it’s P2.50 per text votes) malaki ang chance mo na mag-win.

Sa babae, winner ang pamangkin ni Kris Aquino na si Sophie Albert. Ang tiyahin niyang si Ballsy Aquino-Cruz (panganay na kapatid ni Kris at P-Noy) nagpaunlak pa ng VTR interview giving encouragement sa pamangkin.

Siyempre, Aquino ‘yan kaya walang daplis na malakas ang hatak ni Sophie sa publiko. Kahit saan mo man tingnang anggulo, the mere fact na may statement si Madam Ballsy on Sophie, ‘yun na ‘yun!

Pero mas type namin si Chanel Morales para sa Best Actress Award after watching her sa drama VTR na idinirek ni Eric Quizon.

Sa lalaki, we love Akhiro Blanco sa kanyang role as a gun runner sa VTR portion na ipinakita last Saturday na dinirek ni Bb. Joyce Bernal.

Natalo man, all-out ang suporta ng kanyang mga fans kay Akihiro.

Sa paglabas ng gate ng Araneta, nagpahayag si Wilma Galvante, isa sa mga judges kasama sina Lorna Tolentino, Gelli de Belen at Mac Alejandre) sa mga fans ni Akihiro na huwag nilang pabayaan ang idol nila na patunay lang na may nag-aabang na malaking project ang baguhang aktor sa TV5 sa nalalapit na panahon.

I just wonder, bakit walang ganu’ng encouragement si Wilma sa mga tagahanga ni Vin na siyang winner as Best Actor?

STARLET CATEGORY pa rin ang utak nitong si Sabrina M. Siya ang dating sexy starlet na umariba noong panahon na sampu-sampera ang mga sexy at boldstar.

Sa shooting ng indie film na Jumbo Jerico (sa direksyon ng entertainment writer na si Sandy Es Mariano); wala raw ginawa itong starlet at dikit nang dikit kay Jao Mapa (isa sa mga bida ng indie film).

Obserbasyon ng mga nandudu’n, tipong trip ni Sabrina ang aktor.

Mabuti na lang, deadma si Jao sa “temtasyon” ni Sabrina. Inis na nga ang aktor sa starlet na gustong umeksena at bumalik sa industriya.

Just to inform Sabrina upfront, Jao is happily married with three kids.
Reyted K
By RK VillaCorta

loading...

16 thoughts on “‘Di raw kasi sila naging beautiful affair
Janice de Belen, parang sinampal ni John Estrada

  1. system, you will forfeit your depend on of the people, which happens to be unquestionably detrimental industry. An effective affiliate internet marketing hint is without a doubt usually do not comprise of picture experiences with your web pages. It will be an interesting idea to include a graphic backdrop with your web pages if you plan to customize it just as much as you can easily, these kinds of

  2. kapal ng mukha nitong c john estrada samantalang kong hindi k janice hindi ciya makikilala, tama yong isang nagcomment non kabataan nila may nabasa akong news napapagalitan c janice ng director niya kc kahit saan shooting n janice nakabuntot ng john nyan, kaya nga ciya nakilala dahil k janice, WALANG RESPETO S NANAY NG ANAK NIYA sus akala mo kong sinong gwapo kong makapintas k janice hindi nman ciya gwapo, baka pag tumaba yan asawa niya ngayon iwan nman ny tulad ng ginawa k vanessa, ANG MGA GANITONG KLASENG LALAKI DAPAT NILALAYUAN at HINDI DAPAT MAGING AMA kc mga anak k janice lantaran cnasabe n janice n hindi nagbibigay c john ng sustento. DAPAT JOHN IRESPETO MO ANG NANAY NG MGA ANAK MO matapos mong anakan ng anakan ngayon tingin mo basahan.darating din ang araw mo.

  3. ay naku John nuong kbtaan nyo ni janice eh ikw tong parang asong buntot ng buntot s knya,pty n patay k kc nmn s npkgnda ni janice noh!tas nung nkita m c vanessa del bianco n mtngkad at sexy,ipinagplit m lng at iniwn ng bst bst…ngaun c priscilla ang msis m very proud k kc mtngkad at sexy gnun???ky janice prin ako kung pgndahan ang lbanan,wg lng pseksihan.wl kng kwentang asawa at d k nga ngbibigy ng sustento nuon s mga apat mong ank ky janice

  4. In her mind, alam ni galvante na c Akihiro Blanco ang tlgang nanalo. Kya bilang kunsuwelo de bobo, ganun ang cnabi nya sa mga fans ng bata. Tlgang pinilit nyang manalo yung mukhang kargador na vin abrenica at nagwagi cya. Wala nmn nanonood sa tv5 tapos lalagyan mo pa ng artistang mukhang kargador sus ginoo lalong olats. Kawawa nmn yung apat na hindi nanalo sa AA naging biktima sa pandaraya. 

  5. matagal ng nakarma si jhon. dahil hanggang ngayon wala pa rin nangyari sa career nya. hindi mn lang sumikat. laos noon, ngayon at bukas. hindi na mn ka gwapuha. pangit mo john estrada. i love you janice 

  6. napaka salbahe pala nitong si John,iniwan mo na nga si Janice putak ka pa ng putak kaya de ka sumikat,makarma ka sana chong..go..akala mo naman magtatagal ang marriage nya sa asawa nya pag nagutom yan hahanap ng sugar Daddy

  7. masyado namang big deal yung statement ni tandang john, don’t tell me nagpapakakontrobersyal si laman lupang john para sa teleserye nila para magkarating? no need na, expected naman nang high rater ang a beautiful affair at de kalidad ang pagkakagawa, dapat yung katapat na new show ang bigyan ng issue kasi bukod sa hindi pinag isipan,remake pa at may nega issues pa rin sa main bida.

  8. Dapat sana kung ano ang headline, kung saang network, doon lang ifocus ang article. Huwag nang isingit ang ibang kwento galing sa ibang network. Pangagamit ang tawag diyan. Kung dos dapat dos, kung gma dapat gma. Minsan ginanagawang headline ang mga sikat na stars ng dos para i endorse ang mga stars at palabas na hindi naman kilala.

Leave a Reply

Your email address will not be published.