‘Di raw kasi pinansin sa isang event
Sam Pinto, umiiwas na sa media?!

WALA PA ring pahayag ang kampo o mismong si Sam Pinto sa naobserbahan na-ming pagwo-walkout niya sa isang event, kung saan hindi na niya naantay na makapanayam ng mga media na nag-cover. Matatandaang inuna ng press na interbyuhin ang equally hot and controversial hunks ng Kapamilya Network na sina Gerald Anderson at Xian Lim.

Nangyari ang pagwo-walkout ni Sam last Tuesday, October 23.

Last Tuesday, October 30, naka-takdang dumalo si Sam sa Halloween party ng FHM sa Makati. Although tentative pa naman ang kanyang presence as per organizers ng naturang event. Nag-antay ang media kay Sam dahil a few minutes before the program started ay sinabi pa ng mga namamahala na darating daw ito kaso mali-late nang kaunti. Nang nagsimula na ang programa, nakatanggap na sila ng text na she can’t make it na raw, kasi hindi pa tapos ang event na unang dinaluhan nito.

Well, malilinaw na sana ni Sam ang kanyang side sa tila pangdi-deadma sa kanya ng media na, I might say, ikinasama siguro ng loob niya kaya pinili na lang niyang mag ‘may I go out’ and fly away home na lang.

 

NALOKA KAMI sa balitang nakarating sa amin huh, si Mr. Fu, may girlfriend daw? At ang siste, sa Hong Kong pa raw niya ito pinupuntahan upang alayan ng kanyang matikas na pagmamahal at diligan ng kanyang pagkanamis-namis na dagta, ay dagta raw!

Hinanap talaga namin ang all-out beki na si Fu upang tanungin kung ano nga ba ang katotohanang AC-DC siya, as in puwede sa lalaki at puwede na rin sa babae. Last Tuesday,  October 30, sa advertisers event ng TV5 sa may Craft Bar, Fort Strip, The Fort, nakausap na rin namin finally si Mr. Fu.

Natatawa niyang kuwento “Dati ko siyang girlfriend pero matagal na ‘yun. Matagal ko siyang naging girlfriend at matagal na rin kaming wala. Pero kasi recently, ‘pag nagpupunta ako ng Hong Kong, natunton ko ang kanyang kinaroroonan, so every time na nagpupunta ako du’n, I would visit her. Parang wala lang, kasi tagal din naman ‘yung pinagsamahan namin dati.”

So active ang sex life mo sa girl? “Hindi ko rin kinakaya (ang tanong), basta tawa lang ang sagot ko, natawa lang ako, afraid.” Dagdag pa niya, naging GF daw niya ‘yung girl na ‘yun during his paminta days, paminta as in astang lalaki days pa niya.

Marami nang mga miyembro ng third sex ang mga may asawa at yung iba ay may mga anak naman. Katuwiran ng iba, para raw pagtanda nila ay may aakay sa kanila. Ito rin daw ang goal ni Fu kaya gusto niyang magkaanak. “Oo noong una, feeling ko, hindi. Pero kasi nakikita ko ‘yung mga ka-batch ko nu’ng college at noong high school, lalo na ‘yun. Kasi noong high school ako, all boys kami. Siyempre ‘yung mga ka-batch ko, may mga anak na, may  mga asawa na. Eh, ‘yung pag-aasawa naman ay parang malabo. Sa tingin ko, parang mas capable akong magkaanak kaysa sa makapag-asawa. So naisip ko naman ‘yun, naging running joke siya. Kasi noong nalaman nga nila na may ex-GF ako sa Hong Kong, so naiisip nga nila na baka puwede ‘yun. ‘Yun na lang, since ‘yun nga ‘yung matagal kong naging girlfriend.”

So, ‘pag nagkikita ba sila sa Hong Kong, ginagawa nila ang mga bagay-bagay para makabuo ng anak? “A, basta masaya kami ‘pag nagkikita kami, tapos. Feeling ko naman, tanggap na niya ako, so feeling ko naman masaya lang kami. Wala eh, mas mature na kami. Kasi noong naging kami, ano pa ako noon, college pa, eh… hindi, ano na ako reporter, police reporter na ako nu’n nu’ng naging kami, tapos siya, estudyante pa. So mas bata sa akin, eh.”

Running joke din sa showbiz na kapag ang isang all-out gay ay pumatol sa girl ay sinasabihang tomboy. “Hindi ko masasabing tomboy ako, ano lang ako, bading na nalihis ng landas, paminsan-minsan.”

So mahilig din siya sa babae? “Na try ko naman na din, iba pa rin ‘yung talagang ginagawa natin, echos. Si-guro nag-iibang anyo ako ‘pag andu’n ako, ‘pag siya ang kasama ko or baka nahihiya ako sa kanya.”

Hindi kita kinaya Fu! Naku, huh, iiwasan na siguro kita kapag nakakasalubong ka namin sa mga function dahil may pagka-T-bird at ako ka pala, hahaha! Joke lang po, love ka namin davah, may ganu’n?!

NAKU, HUH, beki stories pala ang takbo nang kolum natin ngayong araw dahil ano ito, BB Gandanghari, nakitaan ng kanyang private part sa taping ng Enchanted Garden? Hala, totoo ba ito? So ano naman ang nakita na bahagi ng kanyang private part? Well, bukas, November 3, sa Ang Latest: Updated ng TV5, 10:30am ay magsasalita na si BB tungkol dito.
Sure na ‘to
By Arniel Serato

loading...

10 thoughts on “‘Di raw kasi pinansin sa isang event
Sam Pinto, umiiwas na sa media?!

  1. c angel locsin dpt ang tunay n nanalo s FHM kung d sn nmili ng boto c sam…i dont find her sexy.deretso ktawan nya

  2. kahit magsanla pa sya ng bahay at lupa para may panggastos sa pagbili uli ng votes sa FHM next year ay wala pa rin papansin sa babaeng to. yan ang napapala ng bumibili ng boto.. eh nung rumampa nga daw to sa FHM event, di man lang pinakpakan.. di kasi convinced ang mga tao sa pagiging no.1 nya..sya rin ang bumili ng boto..hahahahaa!

  3. ang dami nya ng break pero wala pa rin
    leading lady ng lahat
    extra sa boy pick up
    pilitang FHM polls
    at pilit na commercials
    hays

    wa na ma ma say ang kasikatan nowadays pwede ng ipilit

  4. c sam pinto ang example ng IF YOU ARE HOT YOU ARE HOT AND IF UR NOT UR NOT d sapat ang looks sa showbiz kaya kahit anong gawin nya d sya sisikat before she can memorize her lines sayang naman, mag model ka na lng wala namang menememorya sa pg rampa

  5. hindi na kailangan pang pag aksayahan ng oras ng media ang isang forever starlet na si sam pinto. besides, anong karapatan nya at mag iinarteng hindi pinansin over gerald at xian? hello popularity and talent wise, syempre gerald at xian na noh. ni wala ngang talent yang sam pinto na yan, ni katawan, diretso, walang korte kaya tigil tigilan ng starlet na sam na yan ang pag iinarte. kung baga sa newspaper, tabloid lang sya, hindi kailanman mahahanay sa mga bigateng newspapers. feelinggerang hitad na yan.

  6. Mr. Fu-tang ina or Mr. Fu da BABALINA? or Mr. Fu trying hard.  Sino sa kanila writer ang ibig mong sabihin? 

Leave a Reply

Your email address will not be published.