‘Di raw kasi naging sila Sarah Lahbati, itinangging break na sila ni Enrique Gil!

NAGKAGULATAN DAW sina Sarah Lahbati at Enrique Gil nang may lumabas na balitang break na sila samantalang hindi naman daw sila naging magsyota. Ang totoo ay magkaibigan lang sila.

Kaya naman daw after nilang mabasa ang nasabing balita, kaagad daw na nag-usap sila at natawa na lang dahil ‘di nila alam kung saan daw nakuha nu’ng sumulat ang balitang naging sila at ngayon ay break na sila.

Aminado naman si Sarah na close friend niya si Enrique at lumalabas-labas sila kasama ang iba pa nilang mga kaibigan. Ayaw na lang daw nilang magpaapekto sa mga lumalabas na balita sa kanila, dahil ayaw raw nilang masira ang kanilang friendship ng dahil lang sa mali-maling balita.

Honest naman nitong sinabi na may mga nanliligaw sa kanya, pero zero pa rin ang kanyang lovelife dahil nakatuon daw ang kanyang atensiyon sa kanyang career, lalo na’t sasabak na siya sa pagbibida sa primetime, kung saan leading lady siya ni Richard Gutierrez sa pinakabagong soap ng GMA-7, kung saan makakasama rin niya ang muntik-muntikan nang mag-over the bakod na si Carla Abellana.

 

INALAY NG tween star na si Teejay Marquez ang kanyang 2nd award sa showbiz mula sa 32nd Seal of Excellence Dangal ng Bayan People’s Choice Award  for Young Performer Artist and Outstanding Young Commercial Model sa kanyang lola.

Ayon kay Teejay, lahat daw ng blessings na natatanggap niya sa pag-aartista ay inaalay niya sa lola niya. Marami raw siyang magagandang pangarap na gustong matupad para sa kanyang lola na unti-unti nang nangyayari nang pasukin niya ang showbiz.

At sa kanyang pagkakapanalo, wish daw nito na mas dumami pa ang mga proyektong darating sa kanya, mapa-TV show, pelikula at commercial para raw mas madali niyang maisakatuparan ang kanyang pangarap.

 

TINATAWANAN LANG ng young star na si Louise Delos Reyes ang isyung may malubha siyang sakit kaya naman daw lagi siyang hinihimatay. Tsika nga ng isa sa cast ng My Beloved na dala na marahil ng laging pagpupuyat kaya humihina ang kanyang resis-tensiya.

Hindi naman daw porke’t lagi siyang nahihimatay ay may sakit na siya katulad na lang ng mga nauulat. Ayon pa sa dalaga, nagkakasunud-sunod kasi ang trabaho niya na parating pu-yatan kaya naman daw ganu’n ang nangyayari.

Pero masaya raw si Louise dahil hindi siya pinababayaan ng GMA-7 at magagandang proyekto ang ibinibigay sa kanya, deadma na nga lang daw ito sa mga bu-mabatikos sa kanya na bakit after ng pagbibida nito sa Alakdana ay support na lang ang proyektong ibinigay sa kanya. Ang mahalaga raw kay Louise, may trabaho siya at hindi nababakante. Tama!

 

SA NAKALIPAS na isang dekada, naging saksi ang buong mundo sa mga pinakamalalang sakunang naitala sa kasaysayan. Nalalapit na nga ba ang pagtatapos ng sandaigdigan?

Matapang na ilalahad ng TV5 News and Information ang sagot sa mga tanong sa isang espesyal na dokumentaryo tungkol sa kumakalat na ispekulasyon sa umano’y nalalapit na paggunaw ng mundo sa “Ang Katapusan,” kasama si Luchi Cruz-Valdes.

Sisikaping sagutin ng dokumentaryo ang katotohanan sa likod ng Nicene Creed na naglalahad ng diumano’y nalalapit na “paghuhukom”. Personal na bibisitahin ni Luchi Cruz-Valdes ang Israel upang ipakita ang sinasabing lugar kung saan magaganap ang “muling pagbabalik”.

Iimbestigahan din ng NEWS 5 Chief Correspondent ang mga pananaw at teorya ukol sa umano’y napipintong paggunaw mula mismo sa New York Times best-selling author na si Joel Rosenberg. Tatalakayin ng dalawa ang aklat ni Rosenberg na “Epicenter” na nagpapahayag ng Apocalypse base sa mahabang pagsasaliksik at pag-aaral ng awtor ng Bibliya na mapapanood sa Biyernes Santo (Abril 6), 9-10:30 pm sa TV5 at Aksyon TV (Channel 41 sa Mega Manila, Channel 29 sa Metro Cebu at Davao, Channel 1 sa Cignal Digital TV at Channel 59 sa Sky Cable).

John’s Point
by John Fontanilla

loading...

2 thoughts on “‘Di raw kasi naging sila Sarah Lahbati, itinangging break na sila ni Enrique Gil!

  1. BUTI PA IDOL KONG MARIAN MALINIS NA TAO MATALINO NA MABAIT PA MAPAGBIGAY PA DYOSA PA NG KAGANDAHAN. OHAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAA. ACHECHECHECHE

  2. bakit naman kasi pinagpipilitan ang dalawang unknown stars? hindi nga daw sila. hayaan nyo munang may mapatunayan ang dalawa at tsaka, may darating pa atang show si sarah katambal ni richard gutierrez, at silang dalawa ang malilink para magkaroon ng publicity ang future flop show nila.

Leave a Reply

Your email address will not be published.