‘Di raw kailangan ng mamahaling regalo
Vic Sotto, dinadaan sa romansa si Pauleen Luna

HINDI PA rin tinantanan si Vic Sotto ng tungkol sa lovelife niya nang humarap ito sa presscon para sa pelikulang Si Agimat, Si Enteng Kabisote at Si Ako.

Safe pa rin ang sagot niya pero nandiyan na ang pag-amin na sila nga talaga. Ayaw na lang daw niyang gawin pang big deal ito. Basta masaya raw siya at inspired.

Sunod na tanong sa kanya, kung kasama ba si Pauleen sa araw ng Pasko. Sagot naman niya, basta kasama raw niya ang mga mahal niya sa buhay. Siyempre kasama si Pauleen du’n, ‘di ba? Pero tingin ko naman diyan, kasama naman ni Pauleen ang pamilya niya sa araw ng Pasko. Lalo na ngayong nasa bagong bahay na sila, kaya magsasama-sama ‘yan sila. Dadalaw kaya du’n si Bossing? Feeling ko!

Ang tsismis pa nga, hindi raw type ni Bossing Vic ang role ni Pauleen sa Magdalena. Sabi naman ni Pauleen, role lang ‘yun at part ‘yun ng pag-aartista niya.

Ang alam kong hindi kumpor-table sa ginagawa ni Pauleen sa Magdalena ay ang Daddy nito. Kaya kung puwede lang nga raw, ayaw na lang niyang panoorin para hindi siya mairita.

Kaya sa mga susunod na projects nito, siguro magiging maingat na lang sa tatanggapin niya. Pero sana naman bigyan siya ng GMA 7 ng pambida na ‘no! Ang daming nagtatanong kay Pauleen kung kailan siya uli magbibida, siyempre safe lang ang sagot ng alaga ko na happy naman siya sa ibinibigay ng GMA 7 sa kanya. Pero alam ko, ibibigay uli ito sa kanya ng GMA 7 na magbida sa isang afternoon drama.

Anyway, balik tayo kay Bossing, natanong din sa kanya ang tungkol sa isyung bongga raw itong magbigay ng regalo kay Pauleen.

Naku! ‘Yun lang nga ang mala-king TV ang niregalo niya nu’ng isang birthday niya two years ago yata. Sabi naman ni Bossing, hindi naman daw niya kailangan pang idaan sa ganu’n. Pabiro nga niyang sagot, “Kaya pa naman sa roman-cing. Pag hindi na kaya, idaan na sa financing.”

Malakas ang dating sa mga bata ang trailer ng Si Agimat, Si Enteng Kabisote at Si Ako, kaya inaasahan nang ito ang mangunguna sa takilya sa pagsisimula ng Metro Manila Film Festival sa December 25.

Bongga rin ang trailer ng iba ha! Kaya matindi ang labanan nito sa darating na MMFF.

 

TAHIMIK LANG si Dennis Trillo tungkol sa isyung break-up nila ni Bianca King. Mabuting mag-concentrate daw muna sila sa kanilang career kaya isantabi raw muna ang lovelife.

Ewan ko lang magsasalita pa sila, pero kahit nu’ng naging sila ay tahimik naman sila. Kaya tingin ko, walang may magsasalita sa kanila n’yan.

Tahimik din nga sina Rocco Nacino at Sheena Halili tungkol sa kani-lang break-up dahil hindi naman sila umaming naging sila.

Pero ang narinig kong dahilan ng break-up ay kaibigan naman daw nila na isang young actress? Naku, ha! Parang ang dami ko nang naririnig tungkol sa young actress na ito. Parang ayoko namang maniwala, pero marami na ang nagkukuwento kaya tingnan ko nga kung ganu’n nga kalanturay itong si young actress na ito.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

4 thoughts on “‘Di raw kailangan ng mamahaling regalo
Vic Sotto, dinadaan sa romansa si Pauleen Luna

  1. grabe nmn kayo mgsalita . syemore love is love diba?
    don’t be so judge mental . tao lang din sila . wla nmng perpekto ee .
    tska that’s their  lives . so wag kayong makialam . :)

  2. haha im about to say that.Baka kako paglaki ni Jillian si Jillian naman. My family and I used to watch EB pero not now haha di magandang ehemplo tong mga to,totally walang values,Pia and Vic and now Pauleen,asan na ang delicadeza?at sa magulang ni Pauleen ok lang?my foot!kakadiri matanda na aayw pa magbago,si Pauleen naman proud to be oh well!what can I say diba

  3. MATANDA KA NA VIC MAGTINO KA NA DODONG WAG PURO KALIBUGAN LANG NASA ISIP MO. BAKA PAGLAKI NI JILLIAN WARD PATUSIN MO NA RIN HAHAHA.

Leave a Reply

Your email address will not be published.