‘Di raw buntis sa bf na si Jay-R Krista Kleiner: Kasal muna bago sex!

MARIING PINABULAANAN ng Beauty Queen na si Krista Kleiner ang bali-balitang buntis siya care of ng kanyang boyfriend na si RnB Prince Jay-R. Ayon kay Krista, papaano naman daw mangyayari ‘yun, dahil wala pa sa plano nila ni Jay-R na magpakasal? Sobrang aga pa raw at marami pa silang gustong mangyari sa kani-kaniyang career, bago pumasok sa pag-aasawa.

At kung wala raw silang balak magpakasal soon, mas lalong wala raw siyang balak na mabuntis nang wala pang kasal, naniniwala raw ang magandang beauty queen na kasal muna bago sex, mahirap na daw kasi na mabuntis na hindi pa sila kasal.

Sa ngayon daw, busy si Krista sa kanyang hosting job kung saan siya naka-focus at sa nalalapit na promotion ng kanyang album na under sa produksiyon ng kanyang BF na si Jay-R, kasama ang kaibigan nitong si Kris Lawrence.

Isa lang daw ang maa-attest ni Krista, na happy sila ni Jay-R sa kung ano man ang pinagsasamahan nila ngayon at habang mas nakikilala raw nila ang isa’t isa, mas nagiging strong ang kanilang relasyon at mas mahal ang bawat isa.

MAITUTURING NA woman of the day ang magaling na komedyanang si Eugene Domingo, dahil win na win ang beauty nito sa 6th Asian Awards sa kategoryang Best Actress para sa Ang Babae sa Septic Tank along with Shamaine Buencamino na nanalo naman sa Best Supporting Actress para sa pelikulang Niño. 

Hindi na nga pang-lokal na lang ang beauty ni Eugene sa kanyang pagwawagi sa nasabing award-giving body, kaya naman paniguradong marami ang kapwa nito komedyana ang  super dooper inggit sa natatamong kasikatan at karangalan ni Eugene dahil hanggang sa ibang bansa ay kinikilala ang galing nito bilang artista.

Sobrang thankful nga raw si Eugene sa bumubuo ng 6th Asian Awards sa pagkilala sa kanyang talento at sa pelikula nila. At sa pagkapanalo nito ay hindi malabong makagawa ito ng pelikula sa iba pang Asian country na siyang in na in ngayon at ginagawa ng ilan na-ting celebrity like Gwen Zamora na may palabas ngayong pelikula, ang The Witness na gawa sa Indonesia at ang sikat na singer na si Christian Bautista na sikat na sikat din sa Indonesia.

HAPPY ANG Tween Hearts regular cast na si Teejay Marquez at ang boyband na UPGRADE na binubuo nina Armond, K-Cee, Miggy, Ron, Raymond, Rhem at JV dahil kabilang sila sa binigyang parangal sa katatapos na 32nd Seal of Excellence Award People’s Choice Award na ginanap last March 20, 2012 sa Metro Bar, West Ave., Q.C.

Ito raw ang 2nd award na nakuha ni Teejay na nanalo last 2011 for Best New Male TV Personality sa PMPC Star Awards For TV, samantalang ito naman ang kauna-unahang award ng 5 months old boyband na UPGRADE, na umaasang mas kikinang pa ang kanilang career ngayong taon.

Bukod kay Teejay at UPGRADE, kasabay rin nilang binigyan ng award sina Master Showman himself Kuya German Moreno, Jake Vargas, Robin Padilla, DJ Joph, Gleenette Gaddi, Raph Salazar, Jovit Baldivino, Aileen Papin, atbp.

Sa mga nagwagi, congratulations from Pinoy Parazzi!

John’s Point
by John Fontanilla

Previous articleSarah Geronimo at Gerald Anderson, nagkakasundo dahil sa hirap na pinagdaanan sa buhay
Next articleJudy Ann Santos, naiintindihan si Sharon Cuneta sa ipinagsisintir sa Twitter!

No posts to display