‘Di raw binantayan ang anak sa shooting ng pelikula
Mommy ni Sarah G., tiwala kay Lloydie!

DAHIL SA supposed to be na halik ni James Yap sa dating misis na si Kris Aquino, isa na namang karnabal ang buhay ng Queen of All Media.

Heto’t ang isang simpleng kaso ng dating mag-asawa at sa custody ng anak nila ay nauwi na naman sa pista ng media at interes ng publiko.

Naghain ng TRO si Kris thru her lawyer Atty. Frank Chavez na diumano ay ina-accuse nito si James dahil sa pag-aabuso ng kanyang karapatan bilang ama ni Bimby. Sa lengguwahe ni Atty. Chavez, “abuse of visitational rights” and “inflicting psychological harm on their son Bimby”.

Inayunan ng korte ang kahilingan ni Kris na TRO na nagsasaad na hindi puwedeng lumapit si James kay Kris at sa anak (kasama ang mga maid at yaya ng anak) nito sa distansyang 100 metro.

Ang isyung ito na dapat sana ay inaayos na ni Kris quietly sa court na walang media coverange (tulad sa annulment proceedings nila noon na puwede namang ‘no commet’ sila pareho at walang media coverage) ay isa na namang masayang pistang bayan.

Come to think na ang kasong isinampa ni Kris ay lumabas agad sa isang broadsheet noong Miyerkules gayong bawal diumano itong ilabas sa media, ayon sa kampo ni James.

Kung sa tingin ni Tetay na ang awayan nila ng dating mister ang siyang nakakapag-torture sa kanilag anak, hintayin niya ang malaking epekto sa paglaki ni Bimby ngayon na naka-focus ang media at publiko sa bagong tunggalingan nila ni James over their son.

 

MASAYA ANG campaign season kapag taga-showbiz ang nangangarap magkaroon ng posisyon sa lokal na pulitika.

Si Lucy Torres, nakabalandra ang litrato sa front page ng mga dyaryo dahil sa isyung ilegal ang pagtakbo at pagkaupo niya sa posisyon bilang Kongresista na pamalit sa mister na si Richard noon dahil sa lack of residency ng aktor sa Ormoc City.

Sa kaso ni Richard na tumatakbong Mayor sa lugar ng misis niya sa Leyte, balita rin na may death threat si Goma mula sa mga armed group ng sina-sabsing mga kalaban niya sa pulitika.

Bukod dito, ang New People’s Army sa Samar-Leyte area ay nagpadala na rin ng sulat sa aktor na sinasabi na bibigyan siya ng proteksyon kapag pumasok siya sa mga sinasabing “red areas” sa Leyte.

Si Sen. Chiz Escudero na lover ni Heart Evangelista ay isang “lasengo” sa akusa ng ina ng girlfriend.

Bad trip si Chiz. Bad image nga naman ito sa kanyang kandidatura.

Ang Pinoy, maka-ina. Na ang ending pa nito ay baka mauwi lang sa hiwalayan ang relasyon nila ni Heart at umuwi rin siyang luhaan at talo sa May 13 elections.

Sa kampo ni Aga Muhlach na nangangarap na maging Kongresista sa Camarines Sur, tila tahimik at walang balita.

Sina Coco Martin at Sharon Cuneta, pumunta na rin ng Cam Sur para tumulong sa kampanya ni Aga.

 

AT 25, nakuha na ni Sarah Geronimo ang tiwala ng kanyang mga magulang, lalo na ng inang si Mommy Divine.

Kung dati-rati ay kabuntot ang ina kung saan man naroroon si Sarah, this time, dahil sa tiwala na ipinakita ng mga magulang sa kanya, mas maluwag na ngayon si Mommy sa dalaga.

Hindi na nga raw nagbabantay sa set ng pelikulang It Takes a Man and a Woman ng Star Cinema ang ina ayon kay Direk Cathy Garcia-Molina.

“Kung dumadalaw man si Mommy Divine, nagdadala lang ng pagkain at umaalis na ito at hindi na nagbababad,” say ni Direk Cathy.

Napanood namin ang trailer ng pelikula nina John Lloyd Cruz at Sarah, ang mga movie-goer, kinikilig pa rin sa sweet romance nina Miggy (Llyody) at Laida (Sarah).

Kaya nga sa Sabado de Gloria (March 30) happy for sure ang Pinoy sa muling pagbabalik ng tambalan ng dalawa.

Reyted K
By RK VillaCorta

loading...

7 thoughts on “‘Di raw binantayan ang anak sa shooting ng pelikula
Mommy ni Sarah G., tiwala kay Lloydie!

  1. Syempre dumideskarte si Kris para matakpan ang kapalpakan ng administrasyon ng kapatid niya kaya ganyan. Matuwid nga si PNOY kaso yung mga galamay naman nya hindi at puro pangakong napapako ang ginagawa. Kaya sa darating na eleksyon di na ako buboto. Bakit pa eh ganon din naman di maaasahan ang tumatakbo kundi TRAPO ay POLITICAL DYNASTY. Ayaw ko na nga Maloko.

    At sa kaso ni Kris, hay naku! Imposible namang mapwersa sya ni James sa dami ng bodyguards nya hindi ba pwedeng sumigaw sya pag nasaktan? Mas naniniwala pa akong nagdadrama sya katulad ng sinabi ni James para ma brainwash nya anak nya at magalit Ito sa ama bata yan eh madaling Mauto lalo pa at palagi nya kasama ang Ina nya syempre na program na ni Kris utak nya. At ang tagal na nangyari bakit ngayon lang sya nag request ng TPO? Sinungaling din sya magreretire sya kamo? Lokohin nya lelang nya. Nung sinabi nga nyang pag nanalo si Noynoy aalis sya ng bansa at di na babalik hindi nga nya nagawa. Ano pa kaya ang kredebilidad nya? Tapos lalabas sya on National TV na walang make up at umiiyak para paawa effect hay naku! Matatalino na ang mga bagong henerasyon ngayon kaya pag sya tumakbo katulad ng sinabi nya dati tyak na hindi sya mananalo sa ugali ba naman nya. Ang taong tulad nya na hindi Stable ang pag iisip at relationship na walang makakatagal ay hindi mo mapagkakatiwalaang mamuno ng bayan. Lalo pa at nagpopower tripping sya sa pagsasabi kay James na may 3 years pa sa position ang kapatid nya. So what?!

  2. WELL, KALMADO SI MOMMY DIVINE EH KASI NGA NUNG MA-INFATUATE SI POPSTAR KAY POPOY NOON, ALAM NAMAN NG LAHAT NA DEADMA LANG SI POPOY. HENDEVAH?

  3. haha! buti naman at nadala na si mommy divine at binibigyan na ng right si sarah g… malabong magloko si sarah dahil sabi nga nya BASE SA EXPERIENCE NIYA natuto na siya haha! SANA NGA mapaninndigan niya huh!

  4. Si Kris kinakaladlad na naman ang anak niya. Akala ko ba gusto niya proteksyonan si Bimby, bakit inilalako na naman niya sa public ang ayaw nila ni James over their son.
    Kaloka ka Kris, inagaw mo na naman ang atensyon ng publiko at ng media sa isyu ng Sabah, Educational System sa UP at marami pang iba.

Leave a Reply

Your email address will not be published.