‘Di p’wedeng ma-link sa ka-loveteam
Mark Herras, seryoso kay Ynna Asistio

NAGSIMULA NA nu’ng Lunes ang bagong afternoon drama ng GMA 7 na Unforgettable na tinatampukan nina Kylie Padilla, Mark Herras, Pauleen Luna at Benjamin Alves.

Sa simula pa lang parang maganda na, lalo na’t pinag-usapan, pati sa mga Twitter at Instagram na ‘yan!

Hindi ko naman alam kung pa’no malaman ‘yan pero naririnig ko na pinag-uusapan ng mga kaba-dingan.

Ang isa sa napansin nila si Mark Herras na parang lalong gumuwapo raw ngayon.

In fairness naman sa alaga ko na ‘yan, parang ina- yos niya ngayon ang look niya kahit minsan naiirita ako sa mga ayos niya.

Minsan natatalakan ko ‘yan kapag nakikita kong nagpagupit na ‘di ko type ang ayos ng buhok.

Pero ngayon, ang guwapo niya at lalo raw guma-ling sa akting sabi ng mga nakapanood.

At least focused pa rin siya sa trabaho niya kahit happy naman ito sa lovelife niya kay Ynna Asistio.

Tinitiyak naman nilang walang selosan sa kanila ni Kylie dahil magkakaibigan naman silang lahat.

Hindi naman daw selosa si Ynna. Medyo nag-react lang siya nu’n kay Kris Bernal na parang iba na ang closeness nito kay Mark.

Seryoso naman si Mark kay Ynna kaya walang problema at hindi nakasasagabal sa trabaho nila.

Pero siyempre kung ako ang masusunod, iba kapag single ka dahil puwede kang ma-link kahit kanino.

Kaya lang, choice nilang ma-in love, kaya hayaan na natin sila.

 

BINUBUO NA rin ngayon ng  GMA-7 ang bagong drama series nila na papalit sa Pahiram ng Sandali.

Pagbabalik ito ng loveteam nina Alden Richards at Louise delos Reyes sa primetime. In fairness, toprated ‘yung One True Love nila noon at pinag-usapan ito. Kaya nga inulit, eh.

Na-finalize na nila ang title na Mundo Mo’y Akin.

Ang kaibahan nito ngayon, may ka-triangle na sila, si Lauren Young. Ito ang first project ni Lauren sa GMA 7 pagkatapos niyang iwan ang ABS-CBN 2.

Si Pia Magalona ang manager niya at aligaga nga raw ito sa pag-asikaso sa young actress sa story conference nila nu’ng Lunes at tumuloy sa pictorial.

Ito na rin ang pagbabalik ni Sunshine Dizon sa GMA-7 pagkatapos niyang mamahinga sandali dahil sa magkasunod niyang panganganak.

Medyo mataba pa ngayon si Sunshine, pero kaya na raw niyang magpapayat pa. Kaya kinakarir na nito ang pagpapayat para handang-handa na siya sa pagbabalik-akting na na-miss daw niya nang husto.

Abangan n’yo na lang  ‘yan!

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

2 thoughts on “‘Di p’wedeng ma-link sa ka-loveteam
Mark Herras, seryoso kay Ynna Asistio

  1. 1. bakit ganon parang mukha namang pusher si mark herras pag nakikita ko sa gma? 2. naku, nanay role na lang ang peg ni sunshine dizon sa pagbabalik niya haha!

Leave a Reply

Your email address will not be published.