‘Di pinayagang makipag-date Dalagita, Tinodas ang Ina

DAHIL SA hindi pinayagang makipag-date  sa kanyang nobyo, nagawang saksakin at mapatay ang  isang 44-anyos na ina ng kanyang 15-anyos na anak na dalagita sa Dreamland Subdivision, Barangay Pico, bayan ng La Trinidad, Benguet kamakailan.

Kinilala ang namatay na biktima na si Maria Rizza Cabautan, kahera ng Philippine Science High School sa San Vicente, Baguio City, nagtamo ng malalim na saksak sa tiyan at mga kagat sa mga kamay habang nadakip naman ang menor-de-edad na suspek na itinago sa pangalang Carla.

Base sa report ni P/Supt. Davy Vicente Limmong, taga¬pagsalita ng Cordillera PNP, bandang alas-5:30 ng hapon nang makatanggap ng report kaugnay sa kaso ng pagpatay ng tinedyer sa sarili nitong ina.

Lumalabas sa pagsisiyasat, nagkaroon ng pagtatalo ang mag-ina bandang alas-9 ng gabi  dahil nagpupumilit ang salarin na lumabas ng kanilang bahay para makipag-date sa boyfriend.

Sumiklab ang mainitang pagtatalo ng mag-ina na humantong sa pangangagat ng tinedyer sa kanang kamay ng ina na hindi pa nakuntento ay kumuha pa ng patalim sa kusina at inundayan ng saksak sa tiyan ang ina.

Duguang bumagsak ang ginang sa sahig kung saan nagtatakbo na ang tinedyer na nakipagkita sa kanyang boyfriend sa kahabaan ng Marcos Highway sa Baguio City.

Samantala, sa follow-up operation ng mga kinauukulan, naaresto naman ang suspek na itinurn-over sa kustodiya ng lokal na sangay ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

 

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.