‘Di pinayagang makasiping ang Mister sa kulungan Misis, Nagpuputok ang Butse

NAGHIHIMUTOK AT halos walang pagsidlan ng galit at inis ang isang misis matapos na hindi payagan ng jail warden na makasiping ang kanyang mister na nasa kulungan.

Ang nasabing misis ay kinilalang si Lyn, hindi totoong pangalan, na nagrereklamo sa isang jail warden na kinilala lamang sa pangalan na Tarug ng Albay BJMP.

Ito’y matapos na hindi payagan ang misis na makapasok sa kulungan para makapiling ang kanyang asawa na anim na buwan nang nakakulong dahil sa kasong frustrated murder.

Ayon kay Lyn, hindi siya pinapayagang makapasok ng jail warden dahil sa kawalan nito ng resibo kahit pa may mga naipakita naman itong sertipikasyon na siya ang talagang asawa ng naturang inmate.

Sa ngayon, tanging hiling lamang ng misis ang mapagbigyan siyang makapaling ng kahit ilang sandali ang kanyang asawa para sa pangangaila-ngang sekswal.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.