‘Di pinayagan ng direktor na mag-plaster
Wendell Ramos, tumakbong hubo’t hubad sa plaza!

MARAMI ANG nagulat nang biglang mag-resign sa Bubble Gang si Wendell Ramos para lumipat sa TV5. May nakaunawa sa naging desisyon ng actor, pero mas marami ang nanghinayang dahil markado at laging inaabangan at pinapanood ang gag show every Friday sa GMA 7.

Anyway, sa mga nakaka-miss kay Wendell, muli siyang mapapanood sa pelikulang Bayang Magiliw na idinirek ni Gil Portes.

Ayon sa actor, nang una raw i-offer sa kanya ang movie ay nagdalawang-isip siya dahil may eksena na ta-takbong siyang hubo’t hubad sa plaza.

Okey na at payag na raw siya, pero ayaw raw siyang payagan ni Direk Gil na magla-gay ng plaster sa maselang parte ng katawan.

Pero in the end, napapayag na rin siya sa kundisyon na kailangang takpan ng kamay niya ang kanyang “sandata” habang tumatakbong totally naked sa plaza.

Nakunan na raw ang eksena, kung saan walang saplot sa katawan habang tuma-takbo dahil base raw diumano sa tunay na buhay ng isang mayor ang istorya ng Bayang Magiliw.

So, sa mga laging nabibitin sa actor kapag rumarampa ito sa isang fashion. Sa movie niya ay makikita na ninyo ang gusto  ninyong makita sa actor.

Ang tanong, makapasa naman kaya sa Censors ang pagtakbo ni Wendell nang totally naked?

 

MAGSE-CELEBRATE NG kanyang 50 birthday si Dinky Doo sa November at para raw maging memorable ay magkakaroon siya ng birthday concert.

Dahil komedyante at magaling kumanta, nagbiro pa siya sa ilang press na kausap niya sa ginanap na launching ng Suddenly It’s Magic sa Dolphy Theater kamakailan na kung kailan daw siya tumanda saka naman bumongga ang career niya.

Sabi pa ni Dinky Doo, may producer na raw siyang maglulunsad sa kanya bilang bida ngayong 2013. At kabila-kabila ang out of town show na lately ay sa Surigao.

Bukod sa nasabing pelikula, kasama rin siya sa The Fighting Chefs bilang sidekick ni Ronnie Ricketts at sa isang indie film.

Endorser din siya ng health drinks na iniinom niya araw-araw na nagbibigay raw sa kanya ng lakas, ang wheat grass at guyabano na nagpapababa ng blood sugar, cholesterol, high blood at panlaban din daw sa cancer.

Whatever good things happen sa buhay niya ay dahil ‘di raw siya nakakalimot sa Itaas.

 

HINDI NA natuloy ang pag-alis ni Agot Isidro sa GMA 7 dahil isinama siya sa seryeng pinagbibidahan nina Barbie Forteza at Derrick Mo-nasterio.

Sabi ni Agot, iba ang role na gagampanan niya sa serye kumpara sa mga nagawa na niya. Like sa One True Love na isang malupit at nang-aaping wife siya ni Raymond Bagat-sing.

“Dito kasi, pang-manang ang mga suot ko.Walang heavy make-up at naka-tie back lang ang hair ko. Kaya it’s a whole different  role for me,” say ni Agot.

First time din niyang makakatrabaho ang Tween Queen na si Barbie at wala raw siyang naging problema dahil mabilis daw silang nagkaroon ng bonding ng teenstar.

“Nakakatuwa si Barbie. Noong una nahihiya siya sa akin. Sabi ko huwag siyang mahiya para maging maayos ang trabaho namin. Eh, mag-ina pa naman ang papel namin.”

Lovelife? Masaya naman daw siya.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

loading...

4 thoughts on “‘Di pinayagan ng direktor na mag-plaster
Wendell Ramos, tumakbong hubo’t hubad sa plaza!

  1. sayang ang sarap sigurong himurin ng buong body ni wendell… sarap din supsupin ng burat nyan na 12 inches!

Leave a Reply

Your email address will not be published.