`Di pinag-guest sa Wowowee: Vhong Navarro, pinauwi ni Willie Revillame?! – Eddie Littlefield

TUWING MAY UMPUKAN ang movie press, hindi maiiwasang mapag-usapan si Willie Revillame. Palagi na lang may tsika tungkol sa kanya na pulos kanegahan. Alam kaya ni Willie na kinaiinisan na siya nang nakararami dahil sa magaspang niyang pag-uugali? Para siyang hot air balloon sa langit sa kayabangan, lumilipad sa kalawakan na mahirap i-control. Maging kapwa niya artista, buwisit sa masama niyang ugali.

Tulad ni Vhong Navarro, nakaranas daw ng hagupit ni Willie. Tinawagan daw ng talent coordinator ang actor/comedian at manager nitong si Direk Chito Roño para mag-guest sa Wowowee. Agad naman daw pumayag ang magaling na komedyante. Maaga umanong dumating sa studio si Vhong para malaman kung ano ang gagawin niya sa show. Excited pa nga raw itong nag-warm-up sa buong pag-aakalang siya na ang susunod na isasalang after the commercial break.

Nang makita raw ni Willie si Vhong sa backstage na bihis na at ready for action. Agad daw ipinatawag ng TV host ang talent coordinator at sabay sabing, “Pauwiin ninyo ‘yan, hindi siya mag-ge-guest sa show ko,” say raw ni Willie, ayon sa aming source.

Okay lang daw sina Piolo Pascual, Sam Milby, John Lloyd Cruz, Derek Ramsay at Gabby Concepcion na mag-guest sa show niya, ‘wag lang daw si Vhong, sey pa raw ni Willie. Hiyang-hiyang lumapit ang staff kay Vhong at kinausap ito. Laking gulat daw ni Vhong kung bakit pinapauwi siya ni Willie. Wala siyang alam na dapat ikagalit o ikainis daw nito sa kanya. Mataas pa naman daw ang respeto niya kay Willie.

Walang nagawa si Vhong kung hindi lisanin ang lugar at tanggapin ang kabiguan ng araw na ‘yun. Pangit naman kung gaano ka-insecure itong si Willie kay Vhong, baka nga naman masapawan pa siya nito sa pagho-host, huh!

KUWENTO PA RIN about Willie Revillame. Kinausap daw ito para mapabilang sa station ID ng ABS-CBN nu’ng magpa-Pasko. Nag-inarte na raw agad ito, hindi raw niya kailangan ang exposure na maibibigay sa kanya ng nasabing video clip. Dadaanan lang daw siya ng kamera, hayaan na lang daw sa ibang artista, baka makatulong pa sa kanila. Nakakalokong sabi raw ni Willie.

Kung sina Gabby Lopez, Ms. Charo Santos, Malou Santos, Sharon Cuneta, Kris Aquino, Judy Ann Santos, Angel Locsin, Bea Alonzo, Piolo Pascual, John Lloyd Cruz, Diether Ocampo, Jericho Rosales at iba pang artista sa Dos ay nakiisa bilang Kapamilya, bakit ang isang Willie Revillame ay hindi? Kaplastikan lang pala ang drama niya sa Wowowee at sa mga big event ng ABS-CBN kapag sinasabi niyang nasa puso niya ang pagiging Kapamilya!

Hindi kawalan si Willie kung hindi man siya napabilang sa napakagandang station ID ng ABS-CBN. Naging signature song ng bawat Pilipino ang theme song nito. Bukod dito, naging super hit ang awitin sa buong Pilipinas maging sa ibang bansa.

Nuknukan talaga ng kayabangan si Willie. Sobra ang pagka-feeling, akala mo, forever na siyang nakaupo sa trono. Nasa kanya ngayon ang kasikatan, kaginahawahan sa buhay. Lahat nang ito’y panandalian lamang, sa isang iglap puwede itong bawiin nang hindi mo inaasahan. Mapagbiro ang tadhana, hindi mo alam kung kailan darating ang karma!

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

loading...

16 thoughts on “`Di pinag-guest sa Wowowee: Vhong Navarro, pinauwi ni Willie Revillame?! – Eddie Littlefield

  1. T*NG NA YANG WILLIE NA YAN. Super Big Fan ako ni VHONG NAVARRO. BUTI NGA! inalis kana sa ABS. LANG YA KA! ANG KAPAL NG LALAMUNAN MO!

  2. Aba ayusin mo Willie ha Ayoko ng inaaway yang si vhong fan ko yan si vhong mabait yan hindi pumapatol sa mga matatanda pasalamat ka willie mabait yan si vhong kung ako yun susuntukin ko pagmumuka ni willie!Kawawa naman si vhong!!!! Wish ko matangal na Wowowee sana Yung showtime 10:30-1:30 !!!!

  3. Guys di ako pabor na i-suspinde ang SHOWTIME pero baka sa lakas ng kapit ni Willie Devillame na lakad nya para di tuluyang masapawan ang WAWAWEEE at inggit nya kay Vhong…ano palagay nyo? PWEDE????

  4. tae talaga. ang sama talaga ni willie. MANYAK, MAMBUBUGBOG, MANDARAYA, MAYABANG, AROGANTE, MAPAGMATAAS, WALANG RESPETO, BASTOS SA CONTESTANTS AT BABAE, kahit sa hell di tatanggapin yan. pagamit pa sa pulitiko.

  5. yang WILLIE na yan tignan natin ang yabang nyan pag wala na sa pwesto yung politikong may hawak sa kanya. kaya nga panay din ang dikit nya kay villar kasi mawawala na yung politikong inaasahan nya sa pwesto. kailangan ng bago para tuloy tuloy ang image nya mayaman pa din sya. di naman talaga kay willie ang YAMAN na yan, sa mga tao. simpleng CORRUPT kasi yung tao sa likod nyan, wala din magawa ang ABS-CBN kasi TAKOT ang mga yan.

  6. YOKO SI MARIEL! NAPAKA ARTE AKALA MO KUNG SINONG MATALINO AT MAGANDA. PANGIT NAMAN ANG BOSES AKALA NYA CUTE! I NOTICED HOW SHE MADE FUN WITH PBB HOUSEMATES, IBA YUNG NATATAWA KA SA NAKAKATUWANG EKSENA NG MGA HOUSEMATES IBA RIN YUNG GAGAWIN MONG KAKATAWA SILA AT MINSAN BASTOS DIN SIYA MAG-HOST BINABARA NYA YUNG DI NYA MASYADO LIKE. INSECURE SIYA SA MGA MAGAGANDA LALO NA K SAM.

    AND U CAN SEE THAT SHE DISLIKES VALERIE. PLASTIC MASYADO YUNG MGA REACTIONS NYA PAG-NAG-UUSAP SILA. EH KASI SI VAL MAY JOHN HALL EH SIYA ZANJOE MARUDO NA SOBRANG KURIPOT (WHICH IS A GOOD QUALITY OF A MAN) NA AYAW MAG-GIVE IN SA MGA HIRIT NYA BWAHAHAHAHA

  7. dti araw-araw nmin pnapnood wowowee, ngaun HINDI N TLGA! hndi kwalan c willie. halos lahat nkakapansin ng kyabangan at kplastikan nya. sna nga showtime nlng ipalit sa wowowee. msayado na malaki ulo ni willie.

  8. WILLIE wag ka feeler akala mu kung cnO kang gwapo!para kang hayOp d mu ba alam un?sa ugali mu palang HAYOP na!akala mo ba masaya ung mga jOke mu minsan?d mu alam meron kang nasasaktan!marami ka lng pera pero mamamatay ka rin at hindi mu yun makakasama!

  9. hayyy nku wla na din ako gana panoorin ang wowoweee dahil jan kay willie pti c pokwang mayabang na din sa mga contestants…yang c mariel kala mo maganda,pangit naman ng ugali…napapansin ka namin pag c valerie na ang nakasalang ur just looking at her lang…insecure cguro kc twice na win c valerie as best female host noh…ang tgal na nya jan pero no pansin pa rin…baduy pa manamit…nahaluan pa ng mala-squatter na voice ni RR…
    hayyy nku tsugihin na yan at ipalit ang showtime dahil nakakaaliw cla kaysa sa wowoweeee….
    tigilan ang yabang dahil mwawala din sayo ang lahat willie…sabi mo maysakit ka?imbes na bumait ka lalo pa sumama ugali mo….

  10. naku kung totoo man yan, insecure sya tlga kay vhong. eh ano naman ang laban sa kanya ni vhong in terms of hosting? i mean, di hamak na mas matagal sya at maraming naipundar kesa kay vhong.

    ngayon kung ang usapan eh dance showdown, ayun, dun sya mainsecure kay vhong.

    this attitude is so baseless and childish. magsisingkwenta na sya to think, tapos ganto pa ang ugali.

  11. dapat palitan na lang ang wowowee certified kapamilya po ako pero sa inaasal ni willie sa show eh nakakawalang gana ng panoorin kz walang modo sya di naman nya pera ang pinamimigay…sana lang umaksyon na ang abs-cbn…di nyo ba kya si willie?maraming bata ang nanonood tapos gnun ugali nya…dpat di na parental guidance nkalagay dapat x-rated na kz ang asal ni willie asal hayop at tska bastos…

  12. willie, dati ay gustong-gusto ko ang wowowee peron ngayon ay umay na umay na ako lalo na sa hep hep hooray portion. nililipat ko na lang ng channel o kundi naman ay pinapatay ko na lang ang tv. wag ka sanang masyadong mayabang dahil ang buhay ay parang gulong. baka bumalik ka naman sa hirap, cge ka!

  13. PAPU WEYLE, UR STILL HOT…EVEN U ARE OLD…BUT DONT MAKE TOO MUCH HOT – HEADED. HOT HEAD DOWN THERE PWEDE..

Leave a Reply

Your email address will not be published.