‘Di pag-veto sa PDAF ni Jinggoy, ipinaliwanag ng Palasyo

IPINALIWANAG NG Malacañang na hindi kasama sa mga na-veto ng Pangulong Benigno ‘Noynoy’  Aquino III ang pork barrel funds ni Senator Jose “Jinggoy’ Estrada na naging kontrobersiyal dahil naglagay ito ng P100 milyong pondo sa Maynila kung saan ay alkalde ang kanyang ama na si dating Pangulong Joseph Estrada.

Pero nilinaw ni Presidential Spokesperson Abigail Valte na ilagay sa conditional implementation ang PDAF na naisingit ng ilang mambabatas sa 2014 national budget kabilang na ang kay Estrada.

Sinabi pa ni Valte na malinaw naman ang veto message ng Pa-ngulo, kung saan may mga pondong maaaring mailabas kung matupad ang mga kondisyon o patakaran.

Ayon kay Valte, kakausapin nila ang mga mambabatas para maipaliwanag ng tama ang nilalaman ng veto message ng Pangulong Aquino.

Maaalala na 15 senador lamang ang sumang-ayon na huwag ng galawin ang kanilang pork barrel fund samantalang siyam naman ang mas ginustong ilaan ang nasabing pondo sa iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan kabilang na sa ilang local government units.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.