‘Di pa rin nakikipag-ayos kay Cesar Montano
Sunshine Cruz, humihingi ng trabaho sa Dos!

LAST FEBRUARY 6, nakita namin si Sunshine Cruz kasama si Tita Angge Cornelio at ang pinsang si Sheryl Cruz sa 12th floor ng ELJ Bldg. ng ABS-CBN. Humarap si Sunshine sa ilang executives ng Kapamilya Network para ipaalam na bukas siya muli sa paggawa ng mga bagong proyekto tulad ng serye.

Sinubukan naming makapanayam, pero nakiusap si Tita A na ‘wag nang kulitin pa si Sunshine dahil hindi pa ito handang magsalita. Ang pagpunta ng aktres sa ABS para humingi ng trabaho ay patunay lamang na mukhang hindi pa naayos ang problema nila ng asawang si Cesar Montano dahil sa starlet na si Krista Miller.

May pattern daw kasi na tuwing nagkaka-labuan ang mag-asawa ay nagbabalik-showbiz ang aktres, pero nagkaaayos na naman muli ang mga ito ay lie low muli si Sunshine.

 

KINUMPIRMA SA amin ni Gab Valenciano na sa March 25 na ang alis niya ng bansa patungong Orlando, USA para kunin ang kursong gusto niya roon. Maaaring mapaaga pa nga dahil sa April 1 na ang simula ng klase, sobra ang pgapapasalamat ni Gab sa mga trabahong ibinigay sa kanya ng ABS-CBN. Pero aminado ang binata na ang puso niya ay nasa pagpo-produce talaga ng musika at pelikula. Dalawang taong mamamalagi sa Amerika, kasabay na rin ng tatapusing kurso ay ang pag-aaayos ng kanyang citizenship.

‘Di itinago na heartbreaking talaga ang gagawin dahil iiwan ang kanyang pamilya, mga kaibigan at ang girlfriend na si Coleen Garcia, pero para kay Gab ay alam niyang kailangan talaga niyang magsakrpisyo para maabot niya ang mga pangarap na hindi lang naman para sa kanya kundi para rin sa mga mahal sa buhay.

Emosyonal nga ang amang si Gary Velanciano sa nakaraang presscon ng 18th anniversary ng ASAP 2013 dahil nag-asawa na ang naka na si Paolo at nalalapit na nga ang pag-alis ni Gab. Alam ng lahat kung gaano kalapit ang mag-anak na Valenciano sa isa’t isa kaya tiyak na malaking pagbabago ang magaganap talaga sa bahay ng mga ito. Dahil halos ang mag-asawang Gary at Tita Angeli na lang ang nakatira sa bahay nila lalo’t paalis na rin ng bansa si Gab.

Tinanong din namin si Gab kundi ba siya nakararamdam ng kaba dahil bihirang long distance relationship lang daw ang nagiging matagumpay at baka sa break-up mauwi ang dalawang taon na rin nilang relasyon ni Coleen.

Ayon kay Gab, sa loob ng dalawang taon ay kilala na nila ng girlfriend ang isa’t isa at nagbitaw ito ng salita na hindi niya gagawin ang mga bagay na alam niyang makasasakit sa loob ng girlfriend. Alam din na maraming tukso na naglipana at kahit nga rito sa Pilipinas ay mara-ming tukso, pero positibo si Gab na may ilan din namang mga long distance relationship ang nagwo-work out.

Naikuwento rin na maaaring sumunod sa kanya sa Amerika si Coleen, kung saan mag-aaral ito at mag-i-stay sa New York na isang oras ang biyahe sa eroplano papuntang Orlando, patunay lamang ito na mukhang seryosohan talaga ang relasyong Gab at Coleen, lalo’t bukas naman si Gab kung gaano niya kamahal at ina-alagaan ang relasyon nila ng TV host.

Maiba Lang
By MELBA R. LLANERA

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.