‘Di pa rin matanggal-tanggal sa X Factor
Kedebon, sobra kung laitin sa social networking sites!

BLIND ITEM: Mukhang malapit na nga. Malapit nang bumigay ang isang guwapong aktor kung hindi niya kayang pigilan ang sarili sa pagkagusto sa lalaki.

Sa isang event ay hindi siya palatayo sa ka-nyang upuan. Sa tuwing may babati sa kanya ay nakaupo lang siya, pero nakangiti siya sa bumabati. Pero ‘pag hindi nakatingin sa kanya ang mga guwapong artistang bumabati sa kanya ay sa “harapan” siya nito nakatingin.

Pinagmasdan ng aming source ang kilos ng young actor kung totoo nga ang tsismis, dahil ayaw nga nitong maniwala sa tsikang bading ang bagets.

“Na-confirm ko na tuloy, Mama Ogs! ‘Yun na. ‘Yun na talaga ang gusto niya!”

Kami naman ay nananalig pa ring sana’y ‘wag namang mahipan ng hangin ang lolo n’yo at matuluyan, dahil ayaw ng mga fans niyang iniilusyon siya!

Hay, makasakay nga sa pangalan niya.

 

NAKAKAAWA NAMAN itong si Kedebon. Ito ‘yung pinapangarap nu’ng ibang haters niya sa Twitter na sana raw, matsugi na, dahil nawawala raw ang kredibilidad ng X Factor Philippines sa kanya.

Ba’t naman?

Eh, ‘yun nga. Ilang beses na raw itong sumasablay sa pag-awit, pero hindi pa rin daw matanggal-tanggal.

Eh, kasi nga, ibinoboto na ma-save at ‘wag matanggal agad. Kahit kami naman, hindi namin gusto si Kedebon. Pero kung lalawakan lang natin ang ating pag-intindi, sumali ‘yung tao sa pag-asang siya’y mananalo sa huli.

Nangangarap ‘yung tao. Gustong maging singer o kahit kengkoy na singer someday. Hindi niya kasalanan na hindi siya nakakarinig ng, “Kedebon, you may go home!” mula sa host nitong si KC Concepcion.

Nakakaawa lang na habang nananatili si Kedebon ay lalong dumarami ang naiinis sa kanya at sa X Factor Philippines.

Paano ba ito mareresolba?

Ayaw naming pangunahan, pero kahit hindi kami singer, parang hindi rin naman mananalo si Kedebon sa huli. Although ‘yung oportunidad na puwedeng lumapit sa kanya, malaki.

Honestly, hindi na kami gaanong naiinis, dahil iniisip namin, walang kasalanan si Kedebon. Although hindi rin naman namin dapat sisihin ang mga huradong sina Gary Valenciano, Pilita Corrales, Martin Nievera at Charice Pempengco.

Feeling naman namin, maraming Pinoy ang nakare-relate dito kay Kedebon, kaya rin siya nananatili.

‘Wag n’yo nang ipa-elaborate sa amin kung in what sense nakare-relate ang mga Pinoy sa kanya, ha?

 

HAVE YOU watched the stage play Bona? Nako, panoorin n’yo tuwing weekends (Friday, Saturday, Sunday, 3 pm and 8pm) kung type n’yong maaliw at maging memorable ang araw n’yo.

Ang husay-husay ni Eugene Domingo rito. Walang ka-effort-effort ang kanyang acting at kahit ‘yung iba pa niyang kasama, ang galing. Napakabihira mo lang silang marinig na nagbabakel. Talagang nasa puso nila ang kanilang ginagawa.

Nakakatuwa ang mga eksena. It’s up to you kung tatawa ka o ngingiti ka, dahil walang intensiyong magpatawa ang daloy ng kuwento. Matatagpuan mo na lang ang sarili mong humahalakhak na lang sa mga eksena.

In fairness, ang husay-husay rin dito ni Edgar Allan Guzman, huh! At makinis na bata pala nire, ha? Ilang eksena siyang laging naka-boxer briefs lang, dahil madalas siyang paliguan dito ng kanyang fan na si Bona sa bathtub.

Pero alam n’yo bang ang first choice para sa role ni Edgar Allan ay si Paulo Avelino? Naikuwento na ito sa amin ni Paulo noon. Kaso, hindi kakayanin ng kanyang schedule ang mga rehearsals, dahil sunud-sunod din ang taping niya for Walang Hanggan.

Pero alam naming gustung-gusto ni Pau gawin ito. So, if Bona is Paulo’s loss, it’s Edgar Allan’s gain.

Alam na.

 

Oh My G!
by Ogie Diaz

loading...

15 thoughts on “ ‘Di pa rin matanggal-tanggal sa X Factor
Kedebon, sobra kung laitin sa social networking sites!

  1. Kedebon can be commended for trying his best; to better his life. And people recognizes his sinceirity on that aspect. His personality also entertains..He inspires a lot of young people who have dreams like him. Give him a break. If it’s God’s will he could be part of showbiz !
    Miracles can happen!

  2. Naku mga ateng…naiinis kau jn s tao n yn xa nmn ang topic nyo kya lalo sumisikat eh wag nyo patulan at wag nyo pansinin for sure laglag yn kc pgpinag-uusapan meaning me recall xa s tao kung d nmn eh xiempre tanggal xa kc alang dating, but since dami comment about him kya ayan manigas kau at maasar hahhaha!!!!

  3. putang ina yang kedebon na yan parang mongoloid lang sa pagpeperform! ang sarap hambalusin yung bunganga nyang napakalaki! 

    • Kedebon is like WAGNER of X Factor UK 2010 (7th Season).  worst kung worst pero binoboto ng mga briton.  Syndicated ito, merong grupo n bumoboto nuon para ke Wagner then, tataya cla sa parang lottery, then pag na-announce na pasok si Wagner, panalo cla, claim ng money prize.  Sa UK kasi ginagawang sugal ng ticket agencies ang X factor like sino ang mag-stay till final–me ibang prize para dun.  Kung sino matatanggal, iba rin ang prize,  sino ang bottom 2 iba rin.  So gnun nga ng ganun ginagawa ke Wagner till nagalit na si Simon cowell, dinederail raw ang show’s intention to find the best singer, kasi nga nagiging katawatawa na ang contest.  So the following week nagsalita siya regarding this.  (Nsa Youtube ito if you want to find out.)  Ang ginawa ng management, tinanggal c Wagner sa 9th week which is last week n para before final. Eliminated raw–lowest vote, pero i think management ang nagdecide (Simon owns X FaCtor) . Sa general standing he ranked 6th placer, imagine dahil sa boto ng mga sindikato.  Sa atin walng sindikatong nagpapataya para sa X Factor.  I guess, pambuburaot lang ito ng mga televiewers na dinederail ang show.

  4. If God says he stays, what can you all do? The boy has the dream, why cant you just live and let live! Kedebon is living his dream.

  5. B.I= Ivan Dorschner,, sasakyan= “VAN”,, shet, ang pogi bells pa mandin nia, sobrang gwapo nia sa personal, nkita ko na xia once sa mall show nla ng Pbb Before,, sayang naman, kya pla wala xiang serious Gf, puro BUTO lang pla type nia, malaki din siguro BUTO ni Ivan, American eh,, 

    Sabi nga ni Nicki Minaj: You know I really got a thing for American guys, I mean SIZE!!! Yun na! 

    Iyot tau Ivan,, Virgin pa ako eh! LOL!

  6. dapat noon pa natanggal yang kedebon na yan eh, wala namang talent kundi magpa-OA at magwala sa stage haha! dyusko pag nanalo yan sa x factor siya na ang pinaka-walang kwentang winner ng isang singing contest haha! kakahiya

    • Kedebon is like WAGNER of X Factor UK 2010 (7th Season).  worst kung worst pero binoboto ng mga briton.  Syndicated ito, merong grupo n bumoboto nuon para ke Wagner then, tataya cla sa parang lottery, then pag na-announce na pasok si Wagner, panalo cla, claim ng money prize.  Sa UK kasi ginagawang sugal ng ticket agencies ang X factor like sino ang mag-stay till final–me ibang prize para dun.  Kung sino matatanggal, iba rin ang prize,  sino ang bottom 2 iba rin.  So gnun nga ng ganun ginagawa ke Wagner till nagalit na si Simon cowell, dinederail raw ang show’s intention to find the best singer, kasi nga nagiging katawatawa na ang contest.  So the following week nagsalita siya regarding this.  (Nsa Youtube ito if you want to find out.)  Ang ginawa ng management, tinanggal c Wagner sa 9th week which is last week n para before final. Eliminated raw–lowest vote, pero i think management ang nagdecide (Simon owns X FaCtor) . Sa general standing he ranked 6th placer, imagine dahil sa boto ng mga sindikato.  Sa atin walng sindikatong nagpapataya para sa X Factor.  I guess, pambuburaot lang ito ng mga televiewers na dinederail ang show.

  7. kakambal ni elmo magalona yang si kebedon!!!! hahahahahaha bakit kc di pa mawala sa mundo yang leprechaun na yan!!!! panira sa show!!!! totoo naman wala naang credibility yang show na yan simula nang di makasama yung mga ligit at may x factors na singers! like angel prado rosanna at yung ramdom girl!!! dahil yan sa malaking kabobohan at katangahan ni charise na wala namang karapatang maging judge!! masyadong filingera yang bansot na tomboy na yan masyado ring wannabe sa slang na english nya nakakairita sya!

    • Kedebon is like WAGNER of X Factor UK 2010 (7th Season).  worst kung worst pero binoboto ng mga briton.  Syndicated ito, merong grupo n bumoboto nuon para ke Wagner then, tataya cla sa parang lottery, then pag na-announce na pasok si Wagner, panalo cla, claim ng money prize.  Sa UK kasi ginagawang sugal ng ticket agencies ang X factor like sino ang mag-stay till final–me ibang prize para dun.  Kung sino matatanggal, iba rin ang prize,  sino ang bottom 2 iba rin.  So gnun nga ng ganun ginagawa ke Wagner till nagalit na si Simon cowell, dinederail raw ang show’s intention to find the best singer, kasi nga nagiging katawatawa na ang contest.  So the following week nagsalita siya regarding this.  (Nsa Youtube ito if you want to find out.)  Ang ginawa ng management, tinanggal c Wagner sa 9th week which is last week n para before final. Eliminated raw–lowest vote, pero i think management ang nagdecide (Simon owns X FaCtor) . Sa general standing he ranked 6th placer, imagine dahil sa boto ng mga sindikato.  Sa atin walng sindikatong nagpapataya para sa X Factor.  I guess, pambuburaot lang ito ng mga televiewers na dinederail ang show.  Mapang-asar talaga ang pinoy!!!

  8. ano ang x factor ni kedebon?he cant sing, pag nagperform nagpapatawa sya di sya kumakanta para di mahalata bano sya sa singing sinabihan sya ni charice di nya kaya ang ballad  song hirap syang kumanta ganon din si pilita sinabihan sya wag sya puro patawa at sayaw kailangan kumanta sya ng ballad,pero di pa rin sya ma vote out  anong klaseng singing competition ito.

Leave a Reply

Your email address will not be published.