‘Di pa raw handang ma-in love muli
Christian Bautista, ‘di type si Andrea Torres?!

HINDI NA ipinagtataka ni Christian Bautista kung bakit nali-link sila ni Andrea Torres. Magkasama kasi sila sa morning series ng GMA-7 na With A Smile. At dahil naging very close na sila, madalas nga raw silang tuksuhin sa isa’t isa.

“Ah, normal lang naman iyon sa showbiz… mga isyu-isyu,” nangiti sabi ni Christian nang makausap namin.

Matapos silang mag-break ng kanyang girlfriend, hindi pa raw siya handang ma-inlove ulit agad-agad.

“Ah, hindi ko muna siya iniisip sa ngayon. Sa trabaho muna ako magpu-focus.”

Masaya raw ang ambience sa set ng With A Smile. Magaan umano ang pagtatrabaho nilang lahat. Kahit sila ni Andrea, komportable na raw sa bawat gawin nilang eksena.

“Enjoy ako sa taping namin. Oo. Very much. Meron kaming mga scene na talagang tulungan sa isa’ isa. At we want the best for each other. Si Direk Louie is always very very energetic. At lagi kaming pinapasaya.”

Si Mikael Daez ang isa pang leading man ni Andrea sa serye. Pero kay Christian nali-link ang aktres ngayon dahil kapuna-punang mas close nga diumano silang dalawa.

“I don’t wanna comment on that,” matipid na reaksiyon ni Christian.

Si Andrea, may mga nasabing qualities na hinahanap nito sa isang lalaki gaya ng malapit daw dapat sa Diyos at plus factor umano kung magaling kumanta. At parang na ka’y Christian naman nga ang mga katangiang iyon.

“Right now, uhm… we don’t wanto to go there right now. Sorry!” sabi na lang ni Christian.

Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan

loading...

2 thoughts on “‘Di pa raw handang ma-in love muli
Christian Bautista, ‘di type si Andrea Torres?!

Leave a Reply

Your email address will not be published.