‘Di nga raw bagay sa dating asawa
Dina Bonnevie, masyadong nababataan kay Pauleen Luna

CONSISTENT PA rin talaga si Rosanna Roces sa kanyang ugali na kapag mayroong gulo sa kanyang buhay ay ayaw na ayaw niyang inuurirat at iniinterbyu siya ng media. Dahil kapag gano’n ay lalo lang nag-iinit ang kanyang ulo. Pero hindi naman talaga madamot si Osang na malaman ng publiko kung ano ang tunay na nangyayari. Hindi naman kasi siya marunong talagang magtago. Kapag bumuka ang kanyang bibig para magkuwento, mabubuking talaga ang ugat ng mga pangyayari kesehodang pamilya pa nga niya ang involved sa kontrobersiya.

Bilang ina ay handang makipagpatayan si Rosanna para sa kapakanan ng kanyang mga anak. Alam ng mga dating kasamahan sa trabaho ang ugali ni Osang. Na para siyang inahing manok kung mag-alaga ng kanyang mga anak na sisiw. Pero kahit anak ka niya o kaanak ka niya, katulad ng nangyari sa kanila ng anak niyang si Onyok, bumibigay ang galit niya at mga maaanghang na salita kapag mayroon siyang gustong pa-kawalang mga salita.

Hindi kami nagtatampo kapag may isyu tungkol kay Osang at nakiusap siyang: “Huwag na. Ayokong magsalita. Malalaman n’yo rin naman ang kuwento, maghintay lang kayo…” dahil kapag bumuka na talaga ang kanyang bibig ay walang ine-edit si Osang. Tsikadora rin kasi siya, at siya lang ang artistang madalas magbigay sa akin ng mga kuwentong-showbiz na pang-blind item sa tuwing magkakatsikahan kami.

 

PAREHO NAMANG gusto nina Pauleen Luna at Vic Sotto na maging tahimik ang kanilang relasyon, kaya hindi na lang nila sinasagot ang maraming isyung sinasabi ng mga tao tungkol sa kanilang pagmamahalan. Hindi na nila pinoproblema ang malaking agwat ng kanilang edad, dahil tanggap na rin naman sila ng kanilang mga kakilala sa ganu’ng sitwasyon. Maging si Oyo Sotto ay wala na rin daw ngayong sinasabi tungkol sa nasabing ugnayan.

Kung dati’y nangungulit ang ex-wife ni Vic na si Dina Bonnevie nu’ng ang karelasyon pa ng sikat na komedyante ay si Pia Guanio na sila’y magpa-kasal na, ‘yon ay dahil boto si Dina sa edad ni Pia para kay Bossing. Kaya lang, sa hiwalayan din iyon napunta, at si Pia ngayon ay nakasal na sa ibang lalaki. Para kay Dina, sobra siyang nababataan kay Pauleen para kay Vic, pero wala naman siyang magagawa.

Ipinagkikibit-balikat lang ni Vic ang mga sinasabi ni Dina, dahil bilang kanyang ex-wife ay hindi siya kumokontra sa mga pananaw ni Dina, dahil nagmamalasakit lang naman iyon sa kanya. Lalong may pagrespeto si Pauleen sa mga sinasabi ng mommy ni Oyo, dahil may nakaraan sina Vic at Dina. Pero gusto ring patunayan ni Pauleen, na hindi na siya bagets at hindi na rin bumabata para hindi niya masabayan at maalagaan si Bossing na mas may edad kesa sa kanya.

ChorBA!
by Melchor Bautista

loading...

2 thoughts on “‘Di nga raw bagay sa dating asawa
Dina Bonnevie, masyadong nababataan kay Pauleen Luna

  1. Masisisi ba natin itong si Pauleen kung ma inlove kay Vic e talagang lovable itong si VIC. di nga ba ang daming naglalaway (hahaha naglalaway talaga!) kay vic. kahit si CRAZY AQUOTO naglaway din dyan.  

  2. NAKAKATUWA TLG NA OPPOSITE ITONG SINA MISS D AT BOSSING. SI MISS D., GUSTO TLG NYAN MAS MATANDA SA KANYA. HALOS LAHAT, DI BA? ALFIE ANIDO, VIC SOTTO, BOSS VIC, DICK PENSON, VICE GOV SAVELLANO. KAHIT NGA INIYAK-YAKAN PA SYA NI GARY ESTRADA AT NILIGAW-LIGAWAN NI DIET, WIZ NYA TYPE! ITO NAMANG SI BOSSING, JUICE MEH, PURO MGA BATA ANG TYPE! PARANG MAHIRAP LANG ISIPIN NA ITONG SI PAULEEN EH INIINTERVIEW PA NI BOSSING SA QUESTION AND ANSWER PORTION NG LITTLE MISS PHILIPPINES. MY GASH!

Leave a Reply

Your email address will not be published.