‘Di natatakot na maahas ng iba ang dyowa Angelica Panganiba, malaki ang tiwala kay Derek Ramsay!

MATINDI LANG magmahal si Angelica Pa-nganiban, dahil kapag mayroon siyang karelasyon ay tutok talaga siya sa kanilang love affair. Pero wala sa kalibre ng kanyang pagkababae ang magbantay sa bawat kilos ng kanyang boyfriend kung saan iyon pupunta, kung ano ang mga ginagawa at kung sinu-sino ang mga kasama. Mas pinahahalagahan ng magandang aktres ang tiwala nila sa isa’t isa katulad ngayon na si Derek Ramsay ang kanyang boyfriend.

Lumipat na nga kasi si Derek ng network, dahil nasa TV5 na ang hunk actor, habang si Angelica naman ay naiwan sa kanyang home studio, ang Star Magic ng ABS-CBN. Sa panahong ito kasi na uso ang mga guwapo pero malalamyang kalalakihan sa showbiz, talagang pantasya ng mga matrona, bading at mga kolehiyala si Derek, dahil wala raw bahid ang pagkalalaki nito kaya hindi mo kukuwestiyunin. Kailangan daw ay bantayan ni Angelica si Derek at baka ahasin ng ibang kababaihan ngayon hindi na sila magkasama sa iisang network.

Pumapasok na ang relasyon nina Angelica at Derek sa anim na taon. Kung marunong magpahalaga si Derek sa tagal ng kanilang pinagsamahan ay hindi rin naman nagkukulang si Angelica. “Kung wala kayong tiwala sa isa’t isa, ihinto n’yo na lang ang relasyon. ‘Yung sa amin naman kasi ni Derek, nabuo siya sa pagtitiwala. Pareho naming iniingatan ang aming relasyon, kaya siguro kami pa rin hanggang ngayon,” wika ng magandang aktres.

 

SOBRANG MAAGAP naman ang ibang tao sa showbiz para husgahan ang planong pagpasok ni Aga Muhlach sa larangan ng pulitika. Una sa lahat, kahit naman sikat na sikat siyang actor sa showbiz ay hindi siya mayabang. Puwedeng wala siyang masyadong alam sa pulitika, pero puwede niyang pag-aralan iyan katulad ng ginawa ng isa sa kanyang mga kaibigan na si Governor Vilma Santos-Recto, at puwede rin siyang gabayan ng kanyang kaibigan at dating kapit-bahay sa New York, Cubao, at ngayon ay Mayor na ng Quezon City na si Herbert Bautista.

Kuripot daw si Aga, kaya baka kung maluklok daw sa posisyon ay mahirap siyang lapitan ng kanyang mga nasasakupan. Intriga lang kasi iyan sa showbiz, dahil hindi nga nadidinig ang pangalan ni Aga bilang kahanay ng mga artistang kung tawagin ay mahilig mag-share ng mga natatanggap niyang biyaya. Pero ang maganda kay Aga, hindi siya bulagsak sa pera, kaya nakapag-ipon talaga siya mula sa kanyang kinikita sa pag-aartista.

Kung iniintriga man si Aga na kuripot, ay pinagdaanan din naman iyan nina Governor Vi at Mayor Bistek. Noong una ay wala naman siyempreng maise-share si Herbert sa mga kakilala niya sa showbiz. Pero ngayong Mayor na siya ay marami ang nagulat, dahil hindi siya nakakalimot. Nabura na rin sa imahe ng mommy ni Luis Manzano ang kakuriputan ngayong gobernadora na siya lalo pa’t nakapag-ipon na rin siya mula sa kanyang kasikatan sa showbiz.

ChorBA!
by Melchor Bautista

loading...

6 thoughts on “‘Di natatakot na maahas ng iba ang dyowa Angelica Panganiba, malaki ang tiwala kay Derek Ramsay!

  1. ANGELICA BABY FACE PARIN,VERSATILE ACTRESS,NAPAKATOTOO DI GAYA NG IBA NA MASYADONG PA CUTE AT BAIT BAITAN,YUN LANG PO!

  2. ganda ganda talaga ni angelica at napakagwapo pa ni derek,kahit sinong artista nangangarap sa kanila,kaya naman marami inggit,AMININ!!!

  3. Walang taste yang si anghetlika sinaniban! Ang swanget kaya ni derek! hahahaha!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!

  4. C ANGELICA PANGANIBAN MANANATILING KABET NI DEREK. NI WALA NGANG GINAGAWA C SAKANG NA DEREK PARA MA-ANNUL YUNG KASAL NYA EH. PARAUSAN NYA LNG C ANGELICA KC ALAM NYA NA HINDI CYA HIHIWALAYAN KAHIT PAULIT-ULIT NYANG GAGUHIN AT BABUYIN C ANGEL KAPIT TUKO PA RIN SA KANYA YANG LASPAG NA YAN. BWAHAHAHAHAHAHAHAH

Leave a Reply

Your email address will not be published.