‘Di naman daw kasi worth doing
Hilda Koronel, maraming tinanggihang TV at movie projects

IBANG KLASE talaga ang convincing power ng Star Cinema, napapayag nilang magbalik-pelikula si Hilda Koronel. Ayon sa actress, masaya na siyang naninirahan sa US with her family. Okay naman ang takbo ng buhay niya Roon. Normal na nagagawa ang mga bagay-bagay na gusto niyang gawin. Malayo sa intriga at may peace of mind. Maraming offers sa TV at pelikula ang tinanggihan ng magaling na actress dahil hindi nito type ang mga project na ibinibi-gay sa kanya, including the cast. Ayaw na lang banggitin ni Hilda kung anong network at movie outfit ang ni-reject niya.

“Kung hindi rin lang worth doing it, huwag na lang,” say ni Hilda. Na-excite ito nang mabasa ang storyline at script ng pelikulang The Mistress ni Direk Olive Lamasan. Challenging para sa kanya ang role bilang asawa ni Ronaldo Valdez na may kerida sa katauhan ni Bea Alonzo. Bukod sa napakaganda ng istorya, mati-tindi pa ang nasa cast, kasama rin si John Lloyd Cruz. Sa teaser pa lang ng pelikula, nakakaintriga na ang bawat eksena lalo na ang confrontation scene nina Hilda at Bea.

Sa totoo lang, kaya lang umuwi si Hilda, para gawin ang nasabing pelikula. Ang balita namin, ang Star Cinema ang nagbayad ng ticket ng actress ayon sa napagkasunduan. Seven days shooting plus pocket presscon ni Hilda before the grand presscon ng The Mistress and then fly agad pabalik sa US.

 

IT’S FINAL, hindi na si KC Concepcion ang makakapareha ni Derek Ramsay sa pelikulang gagawin dapat nila sa Viva Films. Si Andi Eigenmann ang ipinalit sa dalaga na mas daring ngayon. May tsika, hindi pa raw ready ang dalagang anak ni Sharon Cuneta sa mga sexy scene. Hindi malinaw kung ano talaga ang naging dahilan para tumanggi ito. Marami tuloy anik-anik na balitang naglalabasang hindi maganda tungkol kay KC. Hindi naman apektado ang dalaga sa mga issue na ibinabato sa kanya. Karapatan ni KC kung ayaw niyang gawin ‘yung project. Kung magpapa-sexy rin lang ang dalaga, sa solo movie na niya, ‘di ba?

Marami ang nagsasabing mas bagay raw kay Andi ‘yung role kaysa kay KC. Sa teleseryeng Kahit Puso’y Masugatan, mapangahas na ang role na ginagampanan niya. What more sa pelikula, walang kiyeme itong nagsuot ng bathing suit sa swimming pool na aninag ang hubog ng kanyang katawan. Eksenang pinasok niya si Jake Cuenca na nakahubad sa banyo. Bukod sa palaban ang dalagang ina, ang galing pa nitong umarte tulad ng ina niyang si Jaclyn Jose.

Swak ‘yung character na gagampanan ni Andi sa movie nila nina Derek at Anne Curtis. Medyo may ilang factor ang actor dahil nang maging active siya sa showbiz ay napakabata pa nito. Ngayon nga naman magkakaroon sila ng passionate love scene ni Andi sa pelikula. Laking panghihinayang ni Derek na hindi si KC ang makaka-partner niya at makaka-bed scene. I’m sure, mas malakas ang impact sa manonood kung  ang singer/actress ang naging kapareha niya. Siyempre, first time mapapanood si KC with Derek na may lovemaking. Sure winner na agad ito sa takilya!

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

loading...

3 thoughts on “‘Di naman daw kasi worth doing
Hilda Koronel, maraming tinanggihang TV at movie projects

  1. buti nga at binigyan pa ng project ang gurang na hilda koronel na yan.

    .

    feeling naman ng mga taga viva at star cinema na magiging blockbuster uli ang susunod nila with tandang derek ramsay, with maharot na andi eigenman at amoy lupang derek ramsay, sure na akong flop ang pelikulang yan! may dalawang sumpa na kasali eh! kawawang anne, madadamay sa sumpay ng isang walang utang na loob na matandang hukluban at isang maharot na nagpapakavirgin na starlet!

    • Viva Films lang ang producer ng film nina Derek, Anne & Andi. Mga Viva artists silang lahat (including KC Concepcion). Walang kinalaman ang Star Cinema dyan.

Leave a Reply

Your email address will not be published.