‘Di naman daw kasi ito ang tatay
Andi Eigenmann, ‘di na ipipilit ang anak kay Albie Casiño!

ANDI EIGENMANN says she is now ready to forgive Albie Casiño, the alleged father of her daughter Ellie. In the presscon for her new movie Pridyider, Andi also admitted na nasaktan niya rin si Albie sa mga nangyari in the past. “Dati lagi kong sinasabi na wala naman akong mapapatawad kasi wala namang nagso-sorry pero ngayon para sa akin, on my own, let’s say mag-sorry siya, sige nagpatawad ako. Ako rin naman at the same time nag-sorry rin naman ako, kasi ‘di naman siya masamang tao. [Ang] bait-bait noon. Siguro he just made the wrong decisions in life. ‘Di ko pwedeng sabihin na porke’t ginawa niya iyon, siya lang iyong masama. Nasaktan ko rin po siya,” paliwanag niya.

Does it mean payag na siyang makita o mayakap ni Albie si Ellie? Kung sinabi niyang handa na siyang patawarin si Albie ay bigla naman siyang kambiyo sa kanyang sagot, “Hindi naman niya anak si Ellie. I mean, you know biologically they look so much alike. Kung ayaw niya, ‘di ko na ipipilit iyon. Sayang lang sa time ko at the same time what will that make me if I force it to people who don’t want? That’s okay. A lot of people love Ellie. Ellie has so much fans. We don’t need them.”

Kung nasugatan man noon ang kanyang puso ng dahil sa pag-ibig ay mukhang nakahanap na siya ngayon ng bagong mamahalin. According to reports, ang diumano’y bagong tao sa buhay niya ngayon ay si Jake Ejercito na anak ni former President Joseph Estrada. Makikita rin ang kanilang closeness sa mga larawan na pinost ni Andi sa Instagram. Ano nga ba ang real score sa kanilang dalawa? Inamin man ni Andi na may espesyal ngang tao na nagpapasaya sa kanya ngayon but she remains mum about the identity of the person.

“Besides Ellie, I have [an] inspiration. There’s someone that is special to me but I am not in a relationship. I am single. I don’t want to force things because we both want to make it a point not to fail. ‘Di muna namin ipipilit. We’re just waiting for the right time.”

Hindi raw puwedeng puwersahin dahil mga bata pa sila. Paliwanag pa ni Andi, “Magkaroon kayo ng anak na lalaki, hindi naman yata kayo basta-basta papayag na he would fall in love with someone with a kid. It’s not so normal at this point of my life so I’d rather wait when everything is okay than force things.”

Right now, Andi wants to focus on her career for the future of her kid. “Kailangang iniisip ko siya. Kailangang iniisip ko kung anong makabubuti sa kanya at sa amin.” Hindi naman siya nababakante ng mga magagandang proyekto dahil maliban sa kanyang pelikulang Pridyider ay gabi-gabi rin siyang napapanood sa teleseyeng Kahit Puso’y Masugatan.

 

Kaibigan, usap tayo muli!

Points of Boy
by Boy Abunda

Related Post

loading...

5 thoughts on “‘Di naman daw kasi ito ang tatay
Andi Eigenmann, ‘di na ipipilit ang anak kay Albie Casiño!

  1. s bawat interview b nitong c andi kelangan kasama lagi pangalan n albie casino, WAG N KASING MARAMING SALITA AT MARAMING ARTE ipa DNA ng malaman ang totoo, sino b nman ang hindi maghihinala bf niya c albie kong sino sinong kadate p nlya, buntis n nga ciya nakita pang kasama non cnasabeng bf niya s boracay, ngayon kong ikaw c albie basta basta mo b maangkin ang anak nitong c andi? pa DNA kc.

  2. in fairness ha, ang ganda ng role ni andi sa KPM. bgay na bagay sa kanya. SWAK NA SWAK sya sa role ni veronica, hindi na kailangan mag-acting…. 

Leave a Reply

Your email address will not be published.