‘Di nakatakas sa mga batang tambay Manyakis, kalaboso

SWAK SA piitan ang isang lalaking manyakis nang pagtulungan itong arestuhin ng mga batang tambay makaraang tangkaing halayin ang isang batam-batang ginang sa Caloocan City kahapon ng umaga. Kinilala ang naarestong suspek na si Benjie Barcelona, 20 anyos, vendor ng prutas sa palengke, at naninirahan sa Bagong Barrio ng nabanggit na lungsod.

Ang pinagtangkaang biktimahin ng suspek ay isang nagngangalang “Rowena” (hindi tunay na pangalan), 16, may-asawa at residente ng Sampaguita St., Bagong Barrio.

Base sa ulat ng Caloocan PNP, bandang alas-2:45 ng umaga nang pagtangkaaang halayin ng suspek ang biktima hindi kalayuan sa bahay nito sa naturang lugar.

Sa naging reklamo ni Rowena sa pulisya, kasalukuyan siyang nag-

lalakad pauwi sa kanilang bahay. Matapos na bumili ng tinapay sa panaderya ay sinalubong siya ng suspek.

Aniya, kaagad umano siyang tinutukan ng barbercue stick sa leeg ng suspek at sapilitang siyang dinadala patungo sa isang nakaparadang kariton para roon isagawa ang pangmomolestiya.

Nagsisigaw ang babae na humihingi ng saklolo na nakatawag naman ng pansin sa mga batang tambay sa nasabing lugar at kaagad na hinanap ang pinanggagalingan ng boses ng nasabing babae.

Dahil dito, naalerto naman ang suspek sa i-

ngay ng mga tambay kung kaya’t mabilis itong tumakas subalit mabilis na hinabol ang suspek ng mga tambay hanggang sa maaresto at dalhin sa himpilan ng pulisya para sa kaukulang imbestigasyon.

Si Barcelona ay nakapiit ngayon sa detention cell ng Caloocan PNP at nakatakdang sampa-

han ng kasong Frustra-ted Rape sa Caloocan City Prosecutor’s Office.

(ROMAN MAGPOC)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.