‘Di nahirapang gampanan ang role sa serye
Jessy Mendiola, walang pinag-iba kay Maria Mercedes

Jessy-MendiolaSIMULA NA ang pinakabagong ABS-CBN primetime series, ang Maria Mercedes, which stars Jessy Mendiola. The role was originally portrayed by Mexican actress Thalia. Natatandaan ko pa na pumalo nang husto sa ratings ang series noong una itong ipalabas sa bansa. Marami ang humanga sa ganda at husay sa acting ni Thalia who first caught the Pinoy viewers’ attention with her series Marimar.

Ngayon, it’s Jessy’s time to shine in her role as Maria Mercedes. Jessy is one of the most beautiful and talented young actresses in the country today kaya tiyak na tututukan ng mga manonood ang kanyang series. At sa totoo lang, Jessy looks the part.

Inamin ni Jessy sa The Buzz na pressured daw siya sa kanyang bagong series. “These past few days, sobrang pressured ako and nervous. Kada sayaw ko, kinakabahan ako kasi si Thalia iyon, eh. Aminin naman nating lahat na napakaganda ni Thalia at sinasabi nila na nagpatanggal daw ng ribs, sobrang sexy niya. Ako iyong Pinoy remake ng Maria Mercedes. I really have to do my best kasi I don’t want to lose the trust na binigay sa akin ng management.”

The new series re-tells the original story with a twist. Maria Mercedes is a story of a poor young woman na biglang nabago ang takbo ng buhay nang makilala ang isang lalaki na mag-aahon sa kanya mula sa hirap.

According to Jessy, hindi siya nahirapang gampanan ang papel na Maria Mercedes because they have a lot in common. “Si Maria Mercedes ay isang simpleng babae na gagawin ang lahat para sa pamilya niya at sa pag-ibig. Kung sino ako in real life, kaya rin ako nasa posisyon na ito dahil sa family. She’s very strong, she’s very sweet sa family but she’s also vulnerable. Hindi siya parating matapang. Humihina rin siya pagdating sa problema sa pamilya niya. Sobrang nakare-relate ako,” she said.

Bilang paghahanda sa kanyang bagong role, Jessy underwent several workshops para mas lalo siyang maging epektibo sa kanyang pagganap.

Directed by Chito Roño and Rechie del Carmen, the new series also stars Jake Cuenca, Jason Abalos, Vina Morales, Dominic Ochoa, Nadia Montenegro and Vivian Velez.

Kaibigan, usap tayo muli!

Points of Boy
by Boy Abunda

loading...

6 thoughts on “‘Di nahirapang gampanan ang role sa serye
Jessy Mendiola, walang pinag-iba kay Maria Mercedes

  1. Gosh, TRYING HARD ang Jessy DAWHO na itey sundan ang success ng Marimar Marian version. Ayun, di man lang gumawa ng lindol sa TV. Instead, Mendiola Massacre ang ganap sa ratings! hakhakhak!

Leave a Reply

Your email address will not be published.