‘Di Nagbigay ng Pangtoma: Delivery Boy, Tinaga

KRITIKAL ANG delivery boy nang bugbugin at pagtatagain ng anim na hindi pa kilalang mga lasing na nadaanan ng una makaraang hindi magbigay ng pangtoma sa Caloocan City kamakalawa ng gabi.

Ginagamot sa President Diosdado Macapagal Memorial Medical Center sanhi ng mga bugbog at taga sa katawan si Ronaldo Cardiño, 30 stay-in ng TK Commercial sa C-3 Road ng lungsod.

Batay sa ulat, dakong alas-11:30 ng gabi, naglalakad ang biktima sa Kabulusan I ng lungsod nang madaanan ang mga suspek na nag-iinuman at hingan ng pangtoma si Cardiño.

Hindi nagbigay ang biktima na naging dahilan upang pagtulungan bugbugin at bago tumakas ay pinagtataga pa ang una.

Dinala ang biktima sa PDMMMC kung saan inaalam na ng mga pulis kung sino ang mga suspek.

(MARY H. SAPICO)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.