‘Di Nagbigay ng Pang-Inom, Tinarakan ng 3 Nag-iinuman

AGAW-BUHAY SA pagamutan ang isang lalaki makaraang pagtulungang pagsasaksakin ng tatlong hindi nakikilalang kalalakihan na umano ay pawang nairita matapos na hindi bigyang ng pambili ng alak ng biktima sa Navotas City kamakalawa ng hapon.

Kasalukuyang inoobserbahan sa Tondo General hospital sanhi ng mara-ming tana ng saksak sa iba’t ibang parte ng katawan aang biktimang si Jeffrey Gatchalian, 27, binata, ng C-4 Road, Bagong Bayan North ng nabanggit na lungsod.

Sa ulat ni PO2 Allan Bangayan ng Station Investigation Divion ng Navotas PNP at may hawak ng kaso, dakong alas3:25 ng hapon nang maganap ang pananaksak sa C-4 Road, Bagong Bayan North.

Nabatid na naglalakad ang biktima sa nasabing lugar nang lapitan ito ng tatlong hindi nakikilalang suspek at pilit umanong hinihingan ng pambili ng alak subalit tumanggi ang biktima na magbigay.

Dahil dito, nairita ang tatlong suspek kung kaya’t nagsibunot ng patalim ang mga ito at saka pinagtulungang pagkakadyutin ang biktima at nang humandusay na ang una sa kalsada ay mabilis na nagsitakas ang mga suspek.

Ang biktima ay mabilis na dinala ng ilang residente sa naturang lugar sa nasabing pagamutan kung saan ito ngayon ay patuloy na inoobserbahan ng mga mangagamot.

Sa kasalukuyan ay nagsasagawa ang nasabing himpilan ng pulisya ng pagtugis sa mga suspek para papanagutin sa kanilang ginawa sa biktima.

(ROMAN MAGPOC)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.