‘Di Nagbigay ng Bonus, Minartilyo

PATAY ANG isang lolo nang mabutas ang ulo makaraang martilyuhin ng kanyang tauhan habang natutulog sa Digos City, Davao del Sur.

Sa report ng pulisya, kinilala ang biktimang si Regie Jacosalem, 60, may asawa, residente ng Mabini-Bataan Streets, Digos City.

Naganap ang insidente dakong alas-6:30 ng gabi noong Miyerkules sa loob ng ta-hanan nito.

Sinasabing nakapasok ang suspek na si Christome Endar, 22-anyos, binata, residente ng Purok Durian, at tauhan ng biktima.

Matapos ang krimen, kaagad na tumakas ang suspek ngunit nahuli pa rin ni PO2 Abraham Tonoman na nakatalaga sa Digos Public Terminal.

Inamin ni Endar na may matindi siyang galit sa biktima dahil hindi siya binibigyan ng sapat na suweldo at hindi man lang siya nabigyan ng bonus nitong nakaraang Pasko. Kaya habang tulog ang matanda, hinataw niya ito ng martilyo sa bumbunan dahilan ng agarang pagkamatay nito.

Nakakulong na sa Digos City Police Office ang suspek sa krimen.

(EUNICE CALMA)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.