‘Di Nabigyan ng Pera; Nanay, Kinalaykay

KASONG FRUSTRATED murder ang kinakaharap ng isang tambay na lalaki makaraang hatawin ng kalaykay ang ulo ng ina na tumangging magbigay ng pambili ng alak sa bayan ng Ramon, Isabela.

Ayon kay Chief Insp. Vicente Blancad, hepe ng Ramon Municipal Police Station, nakakulong na ang suspek na si Emmanuel Viado, 23-anyos, at residente ng Brgy. Nagbacalan.

Batay sa ulat na nakarating kay Sr. Supt. Sotero Ramos, provincial director ng Isabela, bandang ala-6:00 ng gabi,  noong Lunes ay lasing na umuwi ang suspek at pilit na humihingi na pera sa ina na nasa edad 53.

Subalit walang maibi-gay ang ina kaya dahilan para magalit at magwala si Emmanuel at kumuha ng kalaykay na siyang inihataw sa ulo ng ina.

Agad namang sumaklolo ang mga kapitbahay ng dalawa at napigil ang mas matindi pang paghataw sa ina.

Inaresto si Emmanuel habang itinakbo sa ospital ang kaniyang ina na ngayon ay nasa ligtas nang kalagayan.

 (E. CALMA)

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.