‘Di na makatatakbo sa 2013 Fr. Balweg, Sinupalpal ng Comelec sa Bulacan

POSIBLENG HINDI na matupad ang pangarap ni Philip Reyes Salvador alyas Fr. Balweg at Afuang sa plano nitong pagtakbo bilang bise-governador sa lalawigan ng Bulacan sa darating na 2013 Midterm Elections.

Base sa apat na pahinang resolusyon na inilabas ni Commission on Election chairwoman Ma. Victoria Parulan at Municipal Civil Registar Estelita De Castro, kasama si DepEd District Supervisor Angelita Baltazar, nito lamang Agosto 24, 2012, disapprove ang aplikasyon ni Salvador sa pagta-transfer nito sa nabanggit na bayan mula sa No. 571 Wack-Wack, Greenhills, Mandaluyong City.

Lumitaw sa isinagawang occular inspection ng Comelec-Pandi sa sinasabing tahanan ni Salvador sa No. 54 Santisima St., Brgy. Bagong Barrio na hindi unamo ito nakapangalan sa aktor, sa halip ay nakapangalan ito sa isang Arman Concepcion ang bahay at ang lupa na kinatitirikan nito ay nakapangalan naman sa Planters Development Bank.

Sa masusing pagsisiyasat ng ahensiya, hindi pa rin maaaring magamit ni Salvador ang nasabing tahanan dahil wala pa itong bubong at anumang gamit sa loob nito, kaya hindi pa umano maituturing na bahay ng aktor. Bukod dito, wala pa rin itong matinong supply ng kuryente at tubig dahil nakikisabit lamang ito sa kuryente ng isang resort sa nabanggit na lugar.

Bigo rin ang kampo ni Salvador na makapagsumite ng mga dokumento na magpapatunay na pag-aari nga nito ang lupa at bahay na umano’y ipinapagawa nito sa nabanggit na barangay. Taliwas sa sinasabi ng abogado nito na si Atty. Meneses na renovation lamang ang ginagawa sa nabanggit na tahanan ng aktor.

Kasabay nito, naghain na rin ng petisyon ang ilang mga residente ng barangay na sina Marcellano Sebastian, Rodolfo Capiral, Romy Mesina, Richard Loveranes, at iba pa.

Sa panig naman ni incumbent Vice-Governor Daniel Fernando, nilinaw nito sa publiko na hindi kailan man ay siya, nagalit sa naging desisyon ng kanyang Kuya Ipe, na matagal rin niyang instructor sa pag-arte sa pelikula at iginagalang niya ito bilang pangulo ng mga artista sa bansa.

Aniya dapat sana’y kumatok muna ang kanyang Kuya Ipe, bago ito nagdeklara sa plano nitong lumahok sa 2013 election bilang bise-governador ng probinsiya. Idinagdag pa ni Fernando na sinumang sibil-yan o ordinaryong tao ay malayang makapaghahayag sa kanilang nais o planong paglilingkod sa bayan.

(TONY DELA PEÑA) 

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.