Sipat-eklat: ‘Di na keri ang kamalditahan ng aktres sa set, aktor nag-volunteer na tsugiin na sa serye!

SIPAT: HINDI pa raw HANDANG MAGMAHAL si SARAH GERONIMO.
EKLAT: Naku, BAKA MAGSARA na nang TULUYAN ang… PUSO niya!

SIPAT: NAKAHANDA naman daw MAGHINTAY si RAYVER CRUZ kung KAILAN PUWEDE nang MALIGAWAN ang POP PRINCESS.
EKLAT: Naku, BAKA maging… KAONG na ‘yan, hijo!

SIPAT: NAGKALAT na ang NUDE PHOTOS ni ROCKY SALUMBIDES sa INTERNET.
EKLAT: HINDI naman daw ‘ka-ROCKY-han’, sey ng mga NAKAKITA.

SIPAT: Sey rin ni EULA VALDEZ, MALAY n’ya raw kung TOTOONG kay ROCKY ang NAKABUYANGYANG na KARGADA nito.
EKLAT: Siguro, LAGING NAKAPIKIT si EULA!

SIPAT: 99 PERCENT daw, e, LALAKI ang NAGKAKAGUSTO kay ANGEL LOCSIN. ‘Yung 1 PERCENT, baka raw BAKLA, sey ni LUIS MANZANO.
EKLAT: Hmmm… SIGURADO kami na nasa 99 si LUCKY! Pramis!

SIPAT: NANLILIGAW pala uli si LUIS kay ANGEL LOCSIN.
EKLAT: S’WAK na S’WAK na talaga siya sa 99 PERCENT!

SIPAT: Nagpa-COLLAGEN daw si KRIS BERNAL kaya GUMANDA ang MUKHA nito.
EKLAT: ANO ang TOTOO: Nagpa-COLLAGEN siya, o GUMANDA siya?

SIPAT: TINANGGIHAN daw ni EFREN PEÑAFLORIDA ang OFFER ni KRIS AQUINO na i-ENDORSE si NOYNOY AQUINO.
EKLAT: AYAW ng CNN HERO of the YEAR na magpaka-SHOWBIZ!

SIPAT: Naks, APAT na ‘BEAUTIFUL GIRLS’ (Angel Locsin at Anne Curtis, at mga models na sina Georgina Wilson and Solenn Heusaff) ang naka-DATE ni CHRISTIAN BAUTISTA sa MUSIC VIDEO niya!
EKLAT: ‘Yaan na natin.. sa MUSIC VIDEO lang naman, e!

SIPAT: ‘WALA kaming RELASYON ni JAKE [Cuenca]!’ Sey ni MELISSA RICKS.
EKLAT: Kung MERON man… BIG DEAL?

SIPAT: Si PIOLO PASCUAL ang GAGANAP na NINOY AQUINO sa MAALAALA MO KAYA. HINDI raw MAKAPANIWALA si PIOLO na siya ang NAPILI.
EKLAT: HINDI rin MAKAPANIWALA ang FANS ni NINOY, e.

SIPAT: Nag-VOLUNTEER pala ang AKTOR na PATAYIN na lang ang KARAKTER niya. Kasi, HINDI niya na MATAGALAN ang KAMALDITAHAN ng AKTRES sa SET.
EKLAT: KAILANGAN pa ba ng CLUE?

Sipat Eklat
by Papa Azzi
Pinoy Parazzi News Service

loading...

7 thoughts on “Sipat-eklat: ‘Di na keri ang kamalditahan ng aktres sa set, aktor nag-volunteer na tsugiin na sa serye!

  1. kelangan bang sabhin ng harap harapan? pg sinabi un ni mark, baka sabhin npaka ungentleman.. tama ng maging sinungaling ng konti para nde na din mabastos ang dati ng bastos.

  2. Yap si Mark Anthony Fernandez yan. Di nya makaya ang katarayan ni Marina. Tapos isasama pa siya kay Claudine.

    Eto mas maganda. magsama ang parehong mataray si Marian at Claudine. Ano ang mangyayari.

  3. mga bading na ito, bakit kaya hanggang langit ang suklam kay mr kakasawa na ang kamalditahan issue.ang totoo mga bakla, si maf tahimik lang sa set, may time na nakikichika din.kadalasan na sa loob lang ng kotse nia yan nagpapahinga.hindi nia kinaya ang taping, sunod sunod ito tapos palaging madaling araw na kung natatapos.

    issue na ito 2009 pa ito.mga bakla 2010 move on na kayo. nilinaw na ito ni maf. at naniniwala ako kay maf. pareng maf pagaling ka.

  4. napanood niyo ba ang showbiz central kahapon? kahit yung interview lang kay mark anthony? pwes kung hindi pa panoorin mo Papa Azzi dahil nilinaw na ni mark yan!

  5. SIPAT: Nag-VOLUNTEER pala ang AKTOR na PATAYIN na lang ang KARAKTER niya. Kasi, HINDI niya na MATAGALAN ang KAMALDITAHAN ng AKTRES sa SET.
    EKLAT: KAILANGAN pa ba ng CLUE?

    mark anthony fernandez :)

    • akala ko tapos na ang issue iyan at mismo si mf ang nagsabi at guest pa siya sa show da many.
      Talaga ang mga baklita negative kay Marian.

Leave a Reply

Your email address will not be published.