‘Di na kasi p’wedeng maging doktor Hayden Kho, tuluy-tuloy na ang pag-aartista?!

SO TULUY-TULOY na ang pag-aartista ni Doc Hayden Kho since binawian siya ng lisensiya bilang doktor pagkatapos ng video scandal na kanyang kinasangkutan?

Actually, pasok sa banga si Hayden, lalo na sa mga role ng doktor, abogado o kahit lover at ka-love triangle, in fairness.

Kung sa GMA-7, p’wedeng-p’wede naman. Sana naman, hindi lang gamitin ng istasyon ‘yung nakaraang isyu para lang paboran si Katrina Halili.

Maging sa ABS-CBN, sana, hindi rin magamit ‘yung isyu ke Maricar Reyes. Let’s start a new beginning, ‘ika nga. Tapos na ‘yan, eh. Alam naming mahirap makalimot.

Pero kung bibigyan natin ng chance ang moving on, eh mas okay, ‘di ba?

Abangan na lang natin kung saang istasyon papalarin si Hayden. Hindi kaya sa TV5?

 

SI RHIAN Ramos naman ay tila nagpapahinga. Ang huling dinig namin ay kating-kati nang magtrabaho ni Rhian, pero pinahin-to muna sa pagwo-work, dahil gusto raw ng GMA management na makalimutan muna ng publiko ang isyung ipinanganak ni DJ Mo Twister, ‘yung abortion issue.

Nakailang taping days na rin sa My Beloved si Rhian, pero biglang tapon lahat sa basura ang mga eksena niya, dahil nga sa naging kontrobersiyal ang lola n’yo.

Kawawa nga raw itong si Rhian, dahil ito pa naman ang inaasahan sa pamilya, tapos, nganga ngayon. Kami nga, ‘pag nakita namin ang batang ito, gusto naming palakasin ang loob niya para hindi siya ma-frustrate sa trabahong pinasok niya.

In fairness to GMA-7, hindi rin naman natin sila masisisi kung gano’n ang kanilang patakaran, dahil policy nila ‘yon, ano’ng magagawa natin, ‘di ba?

Anyway, kay Rhian, masuwerte ka pa rin, dahil kung pinagsisisihan na niya ang nangyari at ginawa niya nu’ng araw (kung totoo man) eh, madali siyang makakapag-move on at makakaahon sa bangungot ng nakaraan.

 

DOON SA isang loteng nabili ni Willie Revillame ay makikitang may malaking TV screen sa itaas. At siyempre, ang palabas ay ang Wil Time Bigtime. Wow, ang taray naman! Juice ko, ‘kala nga namin nu’ng una, kung ano ‘yung inuusyoso ng mga manininda sa paligid, eh. ‘Yun pala, nanonood sila sa big TV screen.

Hindi kaya mauso na ito sa building ng ABS-CBN at building ng GMA-7?

Nakakaaliw lang.

 

BUKAS SA Showbiz Inside Report ay pag-uusapan ang isyu ni Tita Annabelle Rama kay Nadia Montenegro. Ano ang masasabi ng mga manininda sa palengke tungkol sa pakikipaglaban ni Tita Annabelle para sa alam nitong tama?

Ano rin kaya ang masasabi ng mga manininda ng bulaklak sa Dangwa sa lovelife ni P-Noy kay Grace Lee? Okay ba sa kanila? Feeling ba nila, malaking tulong sa bansa ang pagkakaroon ng lovelife ni P-Noy?

‘Yan ang inyong tutukan bukas.

Ang Showbiz Inside Report ay isang bagong talk show. Hindi naman para makipag-compete kami sa kalaban, dahil “baby” pa lang ‘yung amin. Pero kung kinaiinsekyuran na ‘to ng ibang kalaban eh, wala naman na kaming magagawa.

Ang importante, makapaghatid kami ng balita at opinyon sa taumbayan.

 

‘WAG N’YO ring kalilimutan ang aming webcast kung saan live na live n’yo kaming mapapanood sa www.facebook.com/vibestayo kasama si Rommel Placente na kung anu-anong malalaswang salita ang lumalabas sa bibig porke walang MTRCB sa online.

P’wede n’yo rin kaming i-follow sa aming twitter account @ogiediaz. 

Oh My G!
by Ogie Diaz

8 thoughts on “‘Di na kasi p’wedeng maging doktor Hayden Kho, tuluy-tuloy na ang pag-aartista?!

  1. wawa naman si nostra, siguro laging absent sya sa english subject nya kaya ayan tuloy, sobrang dinudugo ang ilong….:-D

  2. Kung totoo man– siguradohin natin na ihuli aat itali si Nostra sa poste ng Meralco sa gitna ng Metro Manila para siya ang unang matabunan!

  3. baka ng magkatotoo ang hula… may humula dati na magkakalindol sa metro manila.. wag naman sana maraming mamatay…. lalo na na sa manila dami building yung iba luma na….tsk..tsk

  4. i doubt kung sisikat yang sex maniac na hayden na yan, dba may cameo yan dati sa marimar? walang future sa acting, sakit sa mata lang kaya please lang wag ipilit!

    sayang nga si rhian, napakalandi kasi, 21 pa lang ganyan na, sayang pero kahit naman hindi sya nasangkot sa iskandalo nila ni mo twisted, one of those pa rin sya sa gma7. si marian pa rin ang reyna.

    swerte ng tv5 kay willie, infairness naman, nagrerate ang will time. will time big time at face2face lang ata ang nagrerate sa tv5, sa gma7, eat bulaga lang hahahahaha!