‘Di na kailangan sa Senado; PDAF, bubuwagin – Drilon

WALA NANG puwang ang Priority Development Assistance Fund (PDAF) sa Senado kahit ano pa ang maging desisyon ng Supreme Court (SC) sa legalidad nito.

Sinabi ni Senate President Franklin Drilon na wala na ang PDAF sa panukalang 2014 budget.

“Under my watch as Senate President, reforms will start with the immediate abolition of PDAF allocation for senators in the proposed 2014 national budget,” ani Drilon.

Ayon kay Drilon, kahit wala pa ang pormal na botohan, mayorya naman ng mga mambabatas ang nagdeklara na sa publiko na hindi na sila tatanggap ng alokasyon ng PDAF bunga na rin ng pagkontra ng publiko.

Ang nasabing pahayag ni Drilon ay tugon na rin sa sinabi ni Senior Associate Justice Antonio Carpio na tanging ang Kongreso lang o ang desisyon ng SC ang makapagbabasura sa PDAF.

Kasabay nito, pinayuhan naman ng Palasyo  i Sen. Ramon “Bong” Revilla Jr. na sagutin muna ang kasong plunder bago magsampa ng counter-charge laban sa testigong si Benhur Luy at sa iba pang whistle-blowers sa P10-bilyon na pork barrel fund scam.

Naniniwala ang kampo ni Revilla na ang mga whistleblower, gayundin ang mga implementing agency, ang nagkamal sa pork barrel na inilaan sa mga proyekto.

Samantala, sinabi ni

Deputy Presidential Spokes-

person Abigail Valte na hindi pa nasasagot ni Revilla ang mga ebidensiya at testimonya ng mga witness pero nagbabala na ito ng kaso.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.