‘Di mapigil sa bisyo Anak, grabe sa boga ni itay

 

NASA KRITIKAL na kondisyon ang isang lalaki makaraang barilin ng sariling ama sa bayan ng Batac, Ilocos Norte.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, kinilala ang biktimang si Algier Galgaran, 23-anyos, walang trabaho at residente ng Brgy. Napu, Badoc City, Ilocos Norte.

Nakakulong naman sa Badoc City PNP ang suspek na si Herminio Galgaran, 54-anyos at residente rin sa nasabing lugar.

Ayon sa kaanak ng mag-ama, umuwing lasing si Algier at dito sinita ng ama dahilan para magkaroon ng pagtatalo sa loob ng bahay.

Kahit awatin umano ng ina ang pagtatalo ng mag-ama ay hindi mapigil ang mga ito dahilan para barilin ng suspek ang anak sa paa subalit sa tiyan tumama.

Makaraan nito ay isinugod sa Corpuz Clinic sa Sinait, Ilocos Sur ngunit inilipat sa ospital sa Batac City.

Nagtamo ang biktima ng tama ng bala mula sa hindi pa matukoy na kalibre ng baril sa kanyang tiyan.

Bagaman ayaw magsalita ng matandang Galgaran sa pulisya, pinaniniwalaang labis itong dismayado sa panganay na anak dahil sa bisyo nito.

(EUNICE CALMA)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.