‘Di man umamin na naging sila Aljur Abrenica at Kylie Padilla, break na rin!

KASAMA NA sa listahan ng mga nagkahiwalay sa showbiz sina Kylie Padilla at Aljur Abrenica. Hiwalay na kuno sila, kahit sa totoo lang naman ay hindi sila noon umaamin nang diretso tungkol sa kanilang naging relasyon. Ginawa nilang manghuhula ang maraming tao sa showbiz, dahil parang gusto nilang palabasin na magkaibigan lang sila, pero ang mga ikinikilos naman nilang dalawa ay kilos ng dalawang tao na mayroong relasyon.

Isa siyempre sa mga itinuturong dahilan ng kanilang hiwalayan ay si Robin Padilla. Bilang anak, naroon para kay Kylie ang pressure, na hanggang ngayon naman kahit na okey lang na siya ay maligawan, hindi pa tanggap ni Binoe ang tungkol sa pakikipagrelasyon. Ang gusto ng action superstar ay maging stable muna ang kasikatan ng career ng kanyang anak, dahil ganu’n ang ginawa ni Robin nu’ng nagsisimula pa lang siya sa showbiz. Nagpakasipag siyang talaga.

May respeto naman si Aljur kay Robin bilang daddy ni Kylie. Kaya lang, hindi nila puwedeng ipagmalaki ni Kylie kay Binoe na nariyan ang relasyon at sabay maganda ang karera nila. Pang-TV pa lang silang pareho ngayon sa pagpapala ng GMA-7. Nitong nababalita ang kanilang relasyon ay walang dudang lumaylay na ang kasikatan ni Aljur, habang si Kylie naman ay wala pa rin talagang masyadong napapatunayan.

 

MARAMING KUMPANYA na talaga ang nagplano na mapagsama sa isang project sina Carmina Villaroel, Zoren Legaspi at BB Gandanghari na nu’ng Rustom Padilla pa lang ay naging husband ni Mina. Nagplano ang TV5, at parang ang may pag-asa na matuloy na project ay ang kina Zoren at BB na nu’ng una ay parang imposible, dahil nitong muling magbalik sa Pilipinas ang utol ni Robin Padilla ay si Zoren ‘yung parang hindi pa komportable na sila’y magkaharap.

Nasabi na rin dati ni Carmina, na walang problema sa kanya kung muli man silang magkaharap ngayon ni Rustom na ayos-babae na. Kung saan maligaya si Rustom ay doon na rin si Mina, dahil matagal na silang may kanya-kanyang buhay.  Marami na ang nagpaparating kay Carmina, na hindi raw magandang magkasama sina Zoren at BB sa project, dahil magkakaroon ng kung anu-anong intriga, dahil parehong nagkaroon ng kaugnayan sa kanya sina Zoren at BB.

Walang masamang buto sa katawan si Carmina. Wala siyang itinatago. Paghahanda lang naman ng kalooban ang kailangan niya dati kung sakali’t magkakaharap na sila ni BB o hanggang sa magkasama sila sa project. Ang dapat magpreno ay si BB, dahil ngayong ladlad na siya ay nagbago na rin ang kanyang sistema, at masyado nang madulas ang kanyang dila, kaya mayroong mga nakaraang nakakalkal, lalo na tungkol sa kabadingan.

ChorBA!
by Melchor Bautista

loading...

14 thoughts on “‘Di man umamin na naging sila Aljur Abrenica at Kylie Padilla, break na rin!

  1. Before tuwang-tuwa ako sa mga anak ni Robin…ngayon khit k Robin nawala ang paghanga ko..Ahudubillah..Kylie!  you are a disgrace… practicing muslim k pa ba?  Alhamdulillah at si Queenie ay kinasiyahanng Allah..di ikinompromiso ang religion s pag aartista..mabuti n lang nakuha ni Liezel c ali..sana wag k nilang pamarisan.pati n ng mga kabataang  babaeng muslim..

  2. sus baklanag bakla yan c aljur kahit tanungin nio pa mga kapitbahay nia noon na hinde pa xa artista..

  3. Pingback: ‘Di man umamin na naging sila Aljur Abrenica at Kylie Padilla, break na rin! | Celebrity Philippines

  4. ANO BA YAN? KUNG AKO KAY KYLIE HINDI KO NA GUGUSTUHIN PA SI ALJUR KASI DAMI NG BEKING NAKATIKIM SA HOTDOG NIYA HAHA!

  5. Hindi po. Timing lang sa pagtatapos ng The Good Daughter ni Kylie. Publicity gimik lang po para maenganyo ang tao panuorin ang teleserye niyang magbababu.

  6. Why its so timing that when Kris Bernal And Jay Perillo separated ways in December and its also the same period when Aljur and Kylie relationship ended up.. Specualations that at then could it still be Aljur and Kris.. Well ALKRISIANS will then be happy.

Leave a Reply

Your email address will not be published.