‘Di makasabay sa co-actors
Richard Gutierrez, hilaw na hilaw pa rin ang acting!

HANGGANG NGAYON pala-isipan pa rin kung totoo ngang si Angelica Panganiban ang may kasalanan sa paghihiwalay nila ni Derek Ramsay. Hindi malinaw kung ano talaga ang mabigat na dahilan sa break-up ng dalawa. Sinasabing may third party raw na involved at si John Lloyd Cruz ang itinuturo. Nagkataon namang hiwalay na rin si Lloydie kay Shaina Magdayao kaya’t lalong naging matindi ang issue tungkol sa hiwalayan nila.

Never nagsalita si Angel sa split-up nila ni Derek. Tanging ang actor lamang ang nagpapa-interview tungkol sa kanilang dalawa. Nagising na raw kasi sa katotohanan ang actress na wala siyang aasahan sa pakikipag-relasyon niya sa hunk actor. Hindi puwedeng pakasalan ni Derek si Angel dahil may asawa ito kahit hiwalay na. Kahit natapos na ang controversial issue sa pagkakaroon ng asawa ni Derek, hindi na natin nabalitaan kung totoong nag-file nga ng annulment ang actor para mapawalang-bisa ang kanilang kasal. Umasa pa naman si Angelica na balang araw ay pakasalan siya si Derek, pero bigo ang dalaga. Sa sobrang pagmamahal na ibinigay ng actress sa kanyang live-in partner, pinaniwalaan nito ang mga kasinungalingan ng actor.

Sa pananahimik ni Angel, nasa puso’t isipan pa rin niya ang break-up nila ni Derek. May tsika, hindi naging maayos ang paghihiwalay nila. Sino nga ba sa kanila ang totoong nang-iwan at sino ang may kasalanan? Isang malaking question mark na dapat nating malaman. Hintayin na lang daw natin ang tamang panahon para maliwanagan ang katotohanan sa hiwalayan nila ni Derek. Huwag nga lamang dumating sa punto na mapuno si Angel at biglang sumabog ito para sa actor, parang wala lang, natapos lang nang ganu’n ang ilang taon nilang love relationship. Knowing Derek, hindi na mabilang ang mga babaeng nagdaan sa kanyang buhay.

 

TINAWAGAN KAMI ng aming best friend na si Madam Cynthia Cole para ibidang sinusubaybayan niya ang teleseryeng Makapiling Kang Muli ng GMA-7 dahil kay Phillip Salvador. Patok sa Hong Kong ang nasabing soap.

“Wala pa rin kupas ang aking idol na si Phillip, grabe ang galing niya as an actor pati rin si Mark Gil. Pinakain niya ng alikabok ang mga artistang kasama niya sa show,” papuring sabi ni Madam sa kabilang linya ng cellphone.

Puri-puri ni Madam Cynthia ang eksena nina Phillip at Richard Gutierrez. “Matindi ‘yung eksena, sayang nga hindi gaanong nabigyan ng justice ni Richard ‘yung scene. Kulang ng emotion ‘yung bata, kailangan niyang magpaturo kay Phillip, ang guwapo pa naman, hindi gaanong marunong umarte,” say pa ng aming kausap.

Bago nagsimula ang soap nina Phillip at Richard ay nag-workshop ang mga ito bilang pagha-handa sa nasabing show. Kahit daw sa set, tinuturuan ng actor ang binata ng tamang acting before the take. Palaging nakaalalay si Philip sa bawat eksena ni Richard kahit wala siya sa eksena. Kailangan lang sigurong seryosohin ng young actor ang pagiging isang magaling na artista. Ilagay sa puso’t isipan niya ang pagiging actor and eventually lalabas na kusa ang naitatago niyang galing sa pag-arte.

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

loading...

11 thoughts on “ ‘Di makasabay sa co-actors
Richard Gutierrez, hilaw na hilaw pa rin ang acting!

  1. WALANG MGA TALENTS YUNG MGA ANAK NI ANN-EVIL RAMA KUNDI KANTUTAN, TIGNAN NYO C ROPA, RAYMONDANG BAKLA AT RETSARD SA KANTUTAN LNG MAGALING PERO WALANG TALENT. TANGA LNG GMA AT NAGTATAPON NG PERA SA WALANG KWENTANG MGA NILALANG NA YAN. KUNG MAHUSAY NA ACTOR YAN C RETSARD MATAGAL NA YAN PINIRATA NG ABS BWAHAHAHAHAHAHAHAHHAHA

  2. This guy is an Alien. I dont know why he has fans. He has no craft at all….the best role for him is a Mannequin or an Alien. . Enough said….

  3. Me too, sinusubaybayan ko ang Makapiling Kang Muli. Magagaling silang lahat execpt for Richard Gutierrez. Ung episode na namatay ung anak ni Philip (Amadeo) na si Rocco (Wesley) binaril ni Mark Anthony (Louie). Dyosko lahat ng nasa scence ay umiiyak na. Sobrang makabagbag damdamin ung scene ni Philip na un. Ang galing ni Philip. Pati kami sa house ay naiyak… pero si Richard Gutierrez ay walang emotion… Nilamon sya ng husto ni Philip sa eksena… tsk tsk tsk… miles away na ang layo ng acting ni Dingdong Dantes & Dennis Trillo ke Richard. :-(

  4. Walang kwenta tong reporter na to, mahilig mang ulit ng previous report. Di ba kayo naguusap usap dyan kung anong chika ang covered na? 

  5. Khit nmn c EDDIE GUTTIEREZ eh banong umakting pasayaw-sayaw at pacute din lng alam non nung panahon nya KAYA ME PINAGMANAHAN!!!!

  6. Magaling lahat ng cast ng Makapiling Kang Muli except Chard. Dilat – Dilat school of akting palagi ang ginagawa =))

  7. E ano pa ba ang maaasahan mo dyan, kapamilya Gutyeres yan. Ano ba ang deal ni Ruffa ngayon? Di ba exclusive talent ito sa TV5? Bakit nagawang nag guest sa Kris TV with Ai Ai ? Ikaw na kasi ang anak ni Anabilbil, hehehehe lahat makukuha.

  8. Totoo naman yun.  At mgkapareho yang mgkapatid na si Richard at Ruffa na ang ragal tagal ng artiata pero hanggang ngaton bano oa ring umarte. Gwapo lang si Richard at maganda si Ruffa pero.bukod dun wala ng maipagmamalaki! Ang lakas ng loob ng nanay nilang tawaging starlet ang mga artistang nakakabangga ng pamilya nila pero mismong mga anak nta starlet umarte! Pamilyang makakapal ang muka. Isama na si Eddie na walang bayag at si Raymond na trying hard mghost at isang social climber. Ewan jan kay Kris Aquino kung bakit ngpapagamit.

Leave a Reply

Your email address will not be published.