‘Di Mahalagang Biyahe sa Thailand, Iwasan na Muna – DFA

PINAYUHAN NG Department of Foreign Affairs (DFA) ang mga kababayan na iwasan muna ang mga “non-essential travels” sa bansang Thailand sa gitna ng nangyayaring political unrest sa nabanggit na bansa.

Ayon kay Foreign Affairs spokesman Raul Hernandez, mismong ang pamahalaan ng Thiland ang naglabas ng request sa publiko na manatili muna sa kanilang mga bahay at iwasan ang pagtungo sa mga lugar na sentro ng demonstrasyon.

“We ask the Filipino community in Thailand to heed the request of the Thai government and for our nationals to refrain from non-essential travel to Thailand at this time,” pahayag ni Asec. Hernandez.

Samantala, tiniyak din ng DFA official na patuloy na nakatutok ang embahada sa Bangkok para matiyak ang kaligtasan ng mga kababayan sa Thailand.

“Our embassy is in touch with our kababayans there and is closely monitoring the political situation in Bangkok.”

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.