‘Di magawang harapin
Marian Rivera, sa sulat lang idinaan ang pag-alis sa poder ng manager!

SA SHOWBIZ, in one wink may nagbabago. Like nga nitong nangyari kay Marian Rivera. Nagulat nga ang showbiz sa biglang desisyon na ‘yon ni Marian, ang umalis sa poder ng kanyang manager na si Popoy Caritativo. Almost seven years nga niyang naging manager si Popoy. At sa isang sulat ni Marian ay nagwakas ang lahat sa kanilang dalawa.

Need nga raw ni Marian ng pagbabago sa kanyang career. Ang tanong lang namin, bakit hindi ba naging maganda ang career niya sa showbiz nang nasa poder siya ni Popoy?

Kung kami ang tatanungin, bakit hindi nakapagpaalam nang harapan si Marian? Bakit dinala lang niya sa sulat?

Ano pa ba ang hinahanap ni Marian na bonggang career? Sa totoo lang, nasa kanya na ang lahat.

Naglalaro naman sa isipan namin na may nangyaring hindi ba maganda sa kanilang dalawa ng kanyang dating manager?

At ngayon ngang nasa bakuran na siya ni Mr. Tony Tuviera ay marami pa rin ang katanungan.

Ano nga ba talaga ang totoo, Marian? Gusto rin namin kunin ang side ni Popoy.

 

TULUY NA tuloy na nga ang December wedding sa simbahan nina Ai-Ai delas Alas at Jed Salang. At kahit na nga nagkaroon na ng civil wedding ay diretso pa rin sa simbahan ang dalawa. Dream nga naman kasi ni Mrs. Salang na humarap sa dambana na nakasuot ng traje de boda.

Madugo ang preparasyon kaya ngayon pa lang ay simula na sila kung sinu-sino ang mga magiging ninong at ninang.

Personal choice at napipisil na nga ni Ai-Ai ang senatoriable candidate na si Manong Jack Enrile na maging isa sa mga ninong niya sa kasal.

Madalas na mabasa sa mga diyaryo ni Ai-Ai si Manong Jack na puro positive ang kanyang nagagawa sa kanyang constituents, kaya hindi na nagdalawang-isip si Ai na kunin nga ang posibleng maging senador natin. Sa aura pa lamang ay positive na ang kanyang dating, so hindi nga nagkamali ang Comedy Concert Queen.

Sa true lang din, si Manong Jack lang ang nagparamdam at umabot  sa akin bilang movie press, na hindi ko naramdaman sa lahat ng mga tumatakbong senador.

 

WISH NAMIN na kumita ang bagong movie ngayon ng Regal Films na The Bride and The Lover. Kaabang-bang na ang tarayan, sampalan at rambulan ng dalawang bidang babae  sa pelikula na prodyus ni Mother Lily Monteverde.

Kalokah, dahil umabot  ng halos isang araw ang kanilang awayan. At siyempre ang awayan na yon ay dahil lang sa lalaki, si Paulo Avelino.

Sigurado kaming magugustuhan ng moviegoers ang tema ng movie dahil nga istory ito ng tringle na pinag-aagawan ang isang lalaki.

“Puro kami pasa kinabukasan, dahil nga para kaming naging aso’t pusa ni Lovi. Pero work nga kaya dapat ayusin at galingan namin,” sey ni Jennylyn Mercado.

“Para nga hindi na paulit-ulitin ang eksenang bugbugan ay talagang sinabi ni Direk Joel (Lamangan) na totohanin na namin. Kahit masaktan kami ni Jennylyn ay oks lang, basta ibinigay namin ang very best namin,” sey naman ni Lovi Poe.

Dagdag pa sabi sa amin ni Jennylyn na  alam niyang maiitindihan ng kanyang boyfriend na si Luis Manzano ang mga mapangahas na scenes sa movie. Iimbitahan daw niyang manood si Luis

‘Yan ang maganda sa mgadyo-wang parehong showbiz, mas naiintindihan nila ang kanilang sariling mundo.

 

BLIND ITEM: Sino itong not so young actor na nagpahada sa bading last December para lang may panghanda sa Noche buena. Karay-karay kasi siya ng isag indie actor na talamak sa pagpapahada sa bading na kapalit nu’n ay P5K.

Ang clue, kaapelyido niya ang isang komedyana.

by Fernan de Guzman
Fer ‘Yan Ha?!

loading...

18 thoughts on “‘Di magawang harapin
Marian Rivera, sa sulat lang idinaan ang pag-alis sa poder ng manager!

  1. hindi lang naman c marianita ang gumawa ng ganyan, marami cla nandyan c piolo na iniwan ang manager nasi joji dingcong noon at ngpa manage sa star magic. c angel,  c aga iniwan din ang matagal ng mngr. c maricel etc2 ….gnyan tlaga angmga artista mghahanap ng iba nasa tingin nila emas makakapg paangat sa knila…. ung iba sinuswerte sa nililipatan meron nman mas bumababa ang kasikatan….

    • AGREE AKO JAN, TEH. KAYA NGA TINAWAG NA KONTRATA EH. PAG TAPOS NA ANG KONTRATA, WA KA NANG HOLD SA TALENT. UNLESS, MUTUAL PA RIN ANG DECISION NYO NA MAG-SIGN ULI. OTHERWISE, PAG AYAW NA NG ISA, EH DI TAPOS NA. DEVAH? LALO NA KUNG VERBAL CONTRACT OR AGREEMENT LANG, ANYTIME PWEDENG MATAPOS ANG RELATIONSHIP NYO. MAGDEMANDA KA MAN, TALO KA LANG KASI VERBAL NGA LANG EH. HAY NAKOH, ANG SHOWBIZ NAKAKALOKAH!

  2. gud luck sa paglaos ni marian rivera,,,remember,,hindi ka magiging primetime queen kung hindi dahil sa manager mo…

    • Baliktad!  Di ba, naging sikat at yumaman ang Popoy nang dahil kay MR?  Ang sabihin mo, may karisma talaga si MR kaya sumikat!  May mga ibang alaga si Popoy, na ‘di naman gaanong sumikat!

  3. mr realized that her carir have nothing to go but down. most of her movie projects are flop. she is not a bankable and cannot deliver as what producer expect. in short, she need to do something bgo sya pulitin s kangkungan! 

    • E, ‘di inamin mo din sumikat at sikat si MR, kasi sabi mo, ‘her carir have nothing to go but down (grabe din ang English grammar ah)…

      Kaya nga grabe ang YAMAN niya, kasi SIKAT siya!

  4. Walang utang na loob tong talipandas na MARIAN na ito! matapos kang bihisan at pasikatin ni POPOY sa ka magfa-fly?!

  5. walang utang na loob itong marianita na ito pagkatapos pasikatin ng manager niya biglang mangiiwan, haha! INGGRATA!

    Si COGIE DOMINGO ba ang blind item? kaapelyido si EUGENE DOMINGO na isang komedyana haha! young actor? di na naman young si Cogie diba?

Leave a Reply

Your email address will not be published.