‘Di ma-take ang demotion sa pagpasok ni Cristy Fermin: Alex Gonzaga, nag-resign sa Juicy

NAKAKAPAGTAKA LANG KUNG bakit sa pagpapalit ng SOP (nagtapos kahapon) at gawing Party Pilipinas (magsisimula sa March 21), eh, retained pa rin ang apat na main hosts.

Nothing against Ogie Alcasid, Regine Velasquez, Jaya, and Janno Gibbs, pero feedback nga ng non-showbiz friends namin na valid naman ang comments, kung babaguhin ang show, bakit kailangang retained din ang same main hosts?

“Tinanggal ang SOP pero bakit sa new show, same hosts pa rin?” Chika ni John Leano na friend namin at isa ring professional photographer. May point ang aming kaibigan, pero siguro nga, may dahilan din ang GMA management to retain the four hosts.

“Matanda na si Jaya and si Janno Gibbs naman, parang wala lang, wala namang nagagawa for the show,” say naman ng non-showbiz pal naming si Julius Uy pero isa ring showbiz observer.

For us, good na i-retain din sina JayR and Kyla dahil mga singers naman talaga sila. Pero sana, ma-train din as hosts sina Bianca King, Heart Evangelista, Rhian Ramos dahil may name recall na sila’t nakapag-e-English din sila, not necessarily na magaling silang singers.

Kung may medyo “matured” na ring singers sa ASAP like sina Zsa Zsa Padilla and Gary Valenciano, puwede pa ring mag-stay sina Ogie and Regine to give credibility sa show’s hosts. Mapabalik din kaya sina Dingdong Dantes and Dennis Trillo na malalaking names na among male Kapuso stars?

Sa ASAP nga, ang dami-dami nilang Kapamilya stars na hosts – ‘yung present generation – pero dahil matindi ang creative department ng show, nagagawa nilang paghati-hatiin ang exposures nila. Puwede rin naman sigurong gawin ito ng Siyete?

Well, tila sa pagpasok ng Party Pilipinas, eh, nakatakdang “bawiin” ng show ang kanilang pagiging number one Sunday variety show na nasa six years rin yatang nangyari sa kanila – at matalo ang ASAP, not until late last year nang nag-reformat ang SOP at tuluyang pinataob ng ASAP!

DRAKA QUEEN ang title ng weekly drama anthology of Claudine Barretto sa GMA, at mapapanood ito tuwing Linggo after Mel and Joey.

Nakatutok ang lahat ng mga mata sa first show ni Claudine as Kapuso pagkatapos niyang mag-ober da bakod sa Siyete, from her fruitful 18 years sa ABS-CBN.

Malaking bagay na matino ang drama staff ng Drama Queen, dahil si Clau naman ang kanilang bida, and she’s worth naman the best staff na maibibigay ng GMA sa kanya lalo na ang creative department.

Kung sa ABS-CBN, naka-sampung taon (o mahigit) ang Maricel Drama Special ni Maricel Soriano at naging matagumpay ito sa mahigit isang dekada, sana’y ganon din ang tahaking TV career ni Claudine sa GMA, dahil sa drama naman talaga siya mahusay, no!

We hope to watch Claudine in wonderful materials sa kanyang first GMA show, mula scriptwriters to directors na hahawak sa kanya. To prove din na ang paglipat niya ay tamang desisyon.

SO, NAG-RESIGN DAW si Alex Gonzaga sa Juicy dahil kung sa pagsisimula nito sa ere, eh, host siya, ngayong magre-reformat ang show at papasok as host si Cristy Fermin, gagawin siyang field reporter na lang. Hindi konkreto ang chikang ito, pero malamang na may bahid ito ng katotohanan na nasaktan ang “ego” ni Alex na dati siyang host, pero gagawing field reporter?

Kung ang ibang stars ay naglilipatan sa TV5, si Alex, naging mas dignified ang kanyang pag-exit sa Juicy dahil nag-resign siya. Pero sana naman ay sa show lang siya nag-resign at bigyan pa siya ng TV5 ng new show, puwedeng ibang genre, pero nahasa na rin siya as host, hindi ba?

Ang latest, co-host na rin daw ni IC Mendoza si Cristy sa Juicy? Well, mas exciting for us ang new Sunday showbiz talk show ni Cristy dahil katapat nito ang The Buzz at Showbiz Central. Magkakaalaman na kung sino ang magaling!

Mellow Thoughts
by Mell Navarro

loading...

12 thoughts on “‘Di ma-take ang demotion sa pagpasok ni Cristy Fermin: Alex Gonzaga, nag-resign sa Juicy

  1. Cristy Fermin is a symbol of a bitter person….you cannot blame ABS-BCN para sibakin sya dahil sa isang malaking kasalanan na siya naman ang gumawa….the person alwayz speaks negative to other person…sana tingnan nya naman muna ang mga dumi nya bago tumapon ng dumi sa ibang tao…nakakaawa…this person is not good influence to everybody….

  2. hay naku oo nga akala mo kong sino si cristy fermin…gaya nong timing nanood ako sa tv5 na tinanong sa kanya sino ang pinaka iinis mo sa showbiz na hindi mo mapatawad ang sagot si KRIS………….baket kaya ano kaya ginawa ni kris sa kanya….seguro hindi pinautang o hindi pinahiram mga damit ni kris,,,lhahahahahahaha bruhang cristy hahahahahahahahahaha.gaya din si fuffa laoooosssss na hano………

  3. hoy james yap bobo paanong worst si kris kapit bahay namin scholar ni kris, more than 100 silang scholar pinagaaral ni kris narinig nyo n bang pinagyabang nya yun a tv hehehe bopols ka

  4. Anonymous, not all people doesn’t like Cristy, likewise with Kris, but if you sum it up and weigh the pros and cons, cristy is a much better person than Kris, because Kris is worse than the septic tank, especially when she opens her mouth. Come on anonymous, deep in your heart, you know that, you just enjoy and tolerate Kris’s behaviors.

  5. issue about alex g. is not true..si alex gonzaga parin po ang host ng show…..more power to alex g. and more projects

  6. Inilabas lang sa freezer si Claudine…”DRAKA QUEEN” pa ang title ng show???

    ahha DRAKA QUEEN!

  7. For the millions who’ve been longing to see me back on boob tube, your long wait will soon be over! :shock: :mrgreen:

  8. kahit viewers maiinsulto pag nakita ang pipitsuging estafadorang walang credibility na si cristy fermin. walang ginawa ngayon kundi birahin sa mga articles nya si kris aquino. MOVE ON, si kris nga burado na ang pagkatao mo sa kanya, ikaw hindi pa rin makalimot?! bwahahahahahahahaha!

    for sure, ang mga news ni cristy ay positive kina willie, manny villar, bong revilla, jinggoy estrada, phillip salvador at negative kina kris, nadia, nina, ara mina… NYEK, OBVIOUS na OBVIOUS ang kalalabasan nang show!

  9. Ipinagpalit ng TV5 ang magandang mukha sa chakang mukha!! Sinong manonood? Siempre..kaming mga tsismosa pa din..he he he. Huwag na lang tingnan ang mukha ni Cristy Fermin. Baka naman puro aleluya ke Willie Revillame ang marinig namin..hay naku!!

Leave a Reply

Your email address will not be published.