‘Di lang sa biritan
Angeline Quinto, may ibubuga rin sa acting

MATAPOS NIYANG manalo sa Star Power: Search For The Next Female Pop Superstar ay isang panibagong hamon na naman ang kinakaharap ngayon ni Angeline Quinto sa kanyang career. Kung una nang pinatunayan ni Angeline sa publiko ang kanyang husay sa pagkanta ay ipapakita naman niya this time na may ibubuga rin siya pagdating sa larangan ng pag-arte with her launching film titled Born to Love You opposite leading man Coco Martin.

The romantic-comedy movie is directed by Jerome Pobocan and produced by Star Cinema and CineMedia. Born to Love You is now showing in theaters nationwide.

Exciting ang una nilang pagtatambal dahil hindi naman lingid sa ating kaalaman ang malaking paghanga ni Angeline kay Coco. Hindi ba’t kumanta pa siya noong mag-guest siya sa Kris TV ng “Kunin mo na ang lahat sa akin… huwag lang si Coco Martin?” At maging si Coco ay niregaluhan siya ng isang necklace with a crucifix pendant as a birthday gift.

Marami tuloy ang nagtatanong kung ano na ang estado ng kanilang samahan. Noong una ay hindi talaga maiiwasan na magkailangan silang dalawa pero nang magtagal ay naging okay na sila sa isa’t isa.

Kuwento ni Coco, “Tinutukan kami ni Direk Jerome para maging komportable kami sa isa’t isa. Noong una kasi nahihiya si Angge. Sa set, siya iyong laging nagpapatawa, siya iyong nagiging dahilan kung bakit kami masaya. Siya lagi iyong nagpa-punchline. Minsan di namin alam kung seryoso o nagpapatawa siya. Tinanggap ko na lang siya na ganyan.”

Hirit naman ni Angeline, “Di naman maiiwasan na sa una kabahan. Tapos si Coco Martin pa [ang] kapartner ko. Ito naman po iyong gusto kong gawin, isa sa matagal ko nang pangarap, iyong makasama si Coco sa isang trabaho.”

Biniro si Angeline ng The Buzz kung kamusta na ang kanyang panliligaw kay Coco since everyone knows she has a huge crush on him. “Sa tingin ko po, [stage] 3 na po. Stage 4 na nga kumbaga sa sakit. Nakakatuwa nga kasama si Coco lalo na sa mga shootings. Sweet naman siyang tao at napakabait,” sagot niya.

Sabi naman ni Coco, “’Di ko alam isasagot ko. Actually, pag gumaganyan siya, ako ang nalulusaw eh.”

Mauwi kaya sa totohanan ang namumuong magandang pagkakaibigan nina Coco at Angeline? Let’s wait and see.

 

Kaibigan, usap tayo muli!

Points of Boy
by Boy Abunda

loading...

5 thoughts on “‘Di lang sa biritan
Angeline Quinto, may ibubuga rin sa acting

  1. excuse me po….. are you sure fan yan ni sarah? think b4 u click, wag igeneralize lahat ng tao.. porket ayaw kay angeline quinto sarah fan na? hala! use your head pls.. and FYI lang i’m a big sarah fan but i don’t hate angeline.. isip isip muna tayo ha.. kalma ka lang..

  2. nagwawala na naman ang panatiko ni sarah plangganita sa sobrang insecure kay angeline paano ba naman pinataob ang idolo nilang plastikada pagdating sa pag-arte….

  3. Yuck!!!! kahit kelan BOBO talaga siya! At ang yabang yabang pa niya!! Hala teh! wag ka nang magpanggap!!! TIBO ka!!! Ung GF mo sobra nang nagseselos kaya para nang nagpapakamatay!! :P AT PLEASE!! TIGILAN MO NA ANG PAGKANTA NG ENGLISH SONGS!!! UTANG NA LOOB!! NAHAHALATA ANG PAGKABOBO MO!! NUNG KUMANTA KA SA ASAP THAT WAS A MESS!!!! WAAAH!!! SINIRA MO ANG KANTA!!

  4. me too!!!idol na kita angeline. basta huwag ka lang mag babago. na gaya ni sarah yumabang, umarte . idol ko rin sya kc dati pero simula noong sumikat na ay naku. like mother like daughter tlga. mukhang pera yong ina. at mayabang ganon din sya. k

  5. Nakakakilig ang Coco-Angeline tandem. Mukhang matalino si Angeline. Mabilis sumagot at nakakatawa siya. Transparent pa. I am a new fan. Go Angeline.

Leave a Reply

Your email address will not be published.