‘Di lang pang-TV ang kasikatan
Richard Yap, malakas talaga ang hatak

SA KUWENTO sa amin ni Kris Lawrence ay kitang-kita pa rin na masaya pa rin at patuloy na maganda ang pagsasama bilang mag-asawa nila ni Katrina Halili.

Naitsika nga niyang malapit nang mag one year old ang kanilang baby ni Katrina. Sa Oasis events place nga raw ang kanilang magiging venue.

Okey naman daw si Kris sa takbo ng kanyang career. Medyo natakot lang siya o kinabahan nang matapos na sa ere ang Party Pilipinas.

Ang buong alam niya ay hindi na magkakaroon ng bagong musical variety show.

“Masaya ako dahil nga nakasali ako sa bagong show na Sunday All Stars,” sey niya sa amin.

Alagang-alaga pa rin siya ni Katrina dahil nga nu’ng Father’s Day ay nilutuan siya ng sinigang na baka.

“Nagulat nga siya (Katrina) dahil dati-rati, ang gusto kong ipaluto ay sinigang na baboy. Nu’ng Fathers day ay karneng baka ang ipinaluto ko sa kanya,” tsika ni Kris.

So, larawan pa rin sila ng masayang pamilya.

 

MALAKING PASASALAMAT ng pamunuan ng Philippine Movie Press Club kay Richard Yap aka Ser Chief sa programang Be Careful With My Heart, dahil nga hindi nabigo ang PMPC na maging performer siya sa isang fund-raising show sa July 13 sa  Zirkoh Tomas Morato.

May titulong “Heart and Songs with Ser Chief”, makakasama niya sina Arjo Atayde, Janella Salvador, Marion Aunor, Michael Pangilinan at Sex Bomb dancers.

Sigurado kaming mga fan ni Ser Chief ang darating sa said venue para mag-watch. Natutuwa nga ang mga member ng PMPC dahil nga maganda ang takbo ng benta ng mga tiket.

At ngayon nga ay naniniwala na silang malakas ang hatak ni Ser Chief. Ang buong akala ng iba ay hanggang TV lang ang kasikatan niya.

Ang malaking tanong ay masorpresa kaya si Ser Chief kung darating si Maya (ang pangalan ni Jodi Sta. Maria sa said teleserye)?

Ah, basta, Ser Chef, maraming salamat again, ikaw na!

Mabibili ang tikets sa halagang P1 thou at P600.

 

HOW TRUE ang balitang nasagap namin na mukhang magkakaroon daw itong si PAO Chief Persida Acosta ng bagong show sa Channel 4?

Nakarating pa sa amin na mukhang palalakasin nga raw ang said channel. Kaya naman hinihimok nga itong si PAO Chief na mapabilang sa kanilang istasyon.

Kung ganon, tiyak na lalakas ang Channel 4, dahil nga sa totoo lang napakaraming following nitong si Attorney.

Eh, ‘di ba nga naman, isa ang show niya sa TV5 na nagre-rate? Hindi nga namin alam kung bakit ito nawala sa ere.

Hindi kaya napulitika na naman ang mahusay na Chief ng PAO?

Kung sino pa ang nagre-rate na show ay siya naman nilang tsinutsugi. Alam kaya ito ni Manny V. Pangilinan?

Pagsisisihan ng TV5 oras na makalipat  sa ibang istasyon ang Public Atorni.

 

BLIND ITEM: Kilala n’yo ba kung sino itong  gay TV executive na baliw na baliw sa isang basketbolista?

Ang balita kasi namin ay super dakila o dako ang basketbolista kung kaya naman hindi mabitawan ni gay TV executive ang ombre.

Palagi raw kinukulit ni TV exec ang friend ni basketbolista para mahada niya ito uli.

At halagang 60k na nga raw ang presyo ni basketbolista ngayon… pero kinakagat pa rin ni TV exec… sa dating 2k… ‘Yun na!

 by Fernan de Guzman
Fer ‘Yan Ha?!

Related Post

loading...

3 thoughts on “‘Di lang pang-TV ang kasikatan
Richard Yap, malakas talaga ang hatak

  1. ISA LANG NAMAN ANG BEKIKANG NA TV EXECS NA TALAGANG MAHILIG HUMADERA EH, SI MADAM DEO ENDRINAL HAHAHAHAHA! DYUSKO SINO KAYA ITONG BASKETBALL PLAYER NA BAGO NIYANG BIKTIMA? WAG NAMAN SANANG SI TOOOOOOOTTTTTTT….. HAHAHAHAHAHAHA!

  2. Fermin C. de Guzman panong lalakas ang hatak ng Chekwa na yan eh..Inindorso nyang si Ramon Magsaysay anong nagyari..PINULOT sa KANGKUNGAN. Sahihin mo malakas ang hinatak nyang Datung kay Beki Magsaysay.

Leave a Reply

Your email address will not be published.