‘Di lang Kariton ang Itinutulak
3 Porter, Huli sa Pagtutulak ng Shabu

MALIBAN SA kariton ay nagtutulak din ng Shabu ang tatlong porter na naging dahilan upang matiklo nang magsagawa ng buy-bust operation ang mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency sa Navotas Fish Port Complex kamakalawa ng tanghali.

Nakilala ang mga suspek na sina Gilbert Gilbuena, 48; Salvador Escalicas Jr., 39; at Ariel Rosales, 37 ng nasabing lugar.

Nabatid na nakatanggap ng impormasyon ang mga tauhan ng PDEA hinggil sa pagtutulak ng mga suspek sa nasabing lugar.

Sa ulat, dakong alas-12 ng tanghali, isang tauhan ng PDEA ang umaktong bibili ng Shabu sa mga nasabing suspek.

Nang iabot ang isang sachet ng Shabu kapalit ng P500, agad na pinalibutan ang mga suspek na nagawa pang makatakbo.

Makalipas ang ilang sandal ay naabutan at nagawa pang maki-

pagbuno ng mga suspek sa mga tauhan ng PDEA hanggang sa pawang maposasan.

Nakuhan pa ng Shabu paraphernalia, kalibre .38 at patalim ang mga suspek na naging dahilan upang madagdagan ng kasong Illegal Possession of Deadly Weapon; Illegal Possession of Firearm at paglabag sa Omnibus Election Code ang kasong pagtutulak ng droga.

(MARY H. SAPICO)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.