‘Di Kasi Pinatitikim ni Misis; Mister, Nagtaksil

INASAHAN NA naging masaya ang Valentine’s Day ng isang misis matapos na kusang nagpaubaya ang kulasisi ng kanyang mister para magkasama sila kahapon sa Araw ng mga Puso.

Ito’y matapos dumulog sa mga kinauukulan si alyas Ana para ireklamo ang mister na isang tricycle driver na iniiwasan na siya at hindi na tinatabihan sa kama.

Nabatid na nirespondehan ng pulisya ang reklamo ni Ana, 45, ma-tapos masundan ang mister na si alyas Paul, 48, sa bahay ng kinakasama nito na si alyas Annie, 50, sa Zone 9, Barangay Bula, General Santos City.

Subalit mabilis na nakaalis ang mister at naiwan ang babae nito kaya’t siya ang dinala sa presinto at doon nakaharap ang orihinal na misis.

Nasabi rin ng babae kung ano ang kanilang ginagawang pagtatalik ng kinakasama pati ang mga sexual position na siya umanong hinanahap sa kanya.

Inamin naman ni Annie na mahal nito ang kinakasama at hindi alam na ito ay may asawa na.

Kaya naman nang nalaman na niya ang lahat, kusa na itong aalis sa kanilang lugar para hindi na masundan pa ng lalaki.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.