‘Di kasi pang-showbiz lang ang friendship Julia Montes at Kathryn Bernardo, ‘di nagpapaapekto sa pagkukumpara

JULIA MONTES downplays the comparison issue between her and Kathryn Bernardo and describes it as a friendly competition. Pero sa kabila ng pagkukumpara sa kanila ay nanatiling magkaibigan ang dalawang teen stars. Sabi ni Julia, “Bago kami pumasok sa showbiz ay alam na namin ang takbo dito. Alam namin ang takbo ng normal friendship sa showbiz friendship.”

Julia and Kathryn became close after starring together on Mara Clara and Growing Up kaya naman nami-miss ni Julia ang kaibigan dahil bihira na lang silang magkaroon ng panahon para sa isa’t isa. Pareho kasi silang abala nga-yon sa kani-kaniyang showbiz projects.

Julia is earning rave reviews for her performance on Walang Hanggan where she plays Katerina Alcantara who is in-love with her childhood friend Daniel (Coco Martin) but marries another man Nathan (Paulo Avelino). Patuloy na humahataw sa ratings ang teleserye at gabi-gabing inaabangan ng mga manonood ang mga susunod na mangyayari sa buhay ng bawat bida. Magkatuluyan pa rin kaya sa bandang huli sina Katerina at Daniel kahit kasal na si Katerina kay Nathan?

But unlike Julia who portrays a mature role in her teleserye, pang-teenager naman ang papel na gagampanan ni Kathryn sa upcoming ABS-CBN series na Princess and I na pinagbibidahan din nina Gretchen Barretto at Albert Martinez.

Sabi ni Kathryn, “Super malaking difference talaga iyong career path namin. Sa kanya (Julia), pang-18 years old na roles pero iyong sa akin, pinag-stay nila ako sa teens na nagre-represent ng 14-17 years old.”

In Princess and I, Kathryn plays a long-lost princess of Bhutan who grew up in Manila and finds love in three men (played by young actors Daniel Padilla, Enrique Gil and Khalil Ramos).

Sobrang excited si Kathryn sa bago niyang teleserye. “I’m happy kasi kung titingnan mo, ito ang first [series] ko tapos iyong kay Julia, first serye rin niya iyong Walang Hanggan. Happy pero nandoon [pa] rin iyong kaba.” 

Kaibigan, usap tayo muli!

Points of Boy
by Boy Abunda

loading...

4 thoughts on “‘Di kasi pang-showbiz lang ang friendship Julia Montes at Kathryn Bernardo, ‘di nagpapaapekto sa pagkukumpara

  1. dapat itapat dyan sa dalawang yan eh sina barbie at bea, kaso sa ngayon, mas lamang sina kathryn at barbie. ang mga shows nila pang all ages while sina barbie at bea forever pang tweens. 

  2. Sana hindi na ma-compare ang dalawa.. Julia & Kathryn- dahil pareho naman silang developing their talents at the industry. Parehong maganda mag trabaho ang dalawa! at galing umarte sa kanilang roles. Malaki talaga na-improve ni Julia sa pag-acting very expressive kais ang mata ni Julia … si Kathryn ok din siya. hope hindi magpa-epekto sa kanilang friendship ang dalawa kasi trabaho lang yong pag-acting…friendship is valuable :)

Leave a Reply

Your email address will not be published.