‘Di kasi naalagaan ng network
Sharon Cuneta, halatang ‘di masaya sa Singko

KAHIT HINDI magsalita si Sharon Cuneta, ramdam naming hindi siya masaya sa Singko. Hindi naman siya totoong inaalagaan tulad ng pag-aalaga sa kanya ng Kapamilya Network. Hindi ba’t bigla na lang nawala sa ere ang kanyang afternoon show nang walang kaabug-abog ? Walang paliwanag ang network kung bakit ?

Ilang buwan ding namahinga ang Megastar, puros series of shows abroad ang kanyang pinagkaabalahan. Hinahayaan na lang nitong tumakbo ang panahon, busy-bisihan para hindi niya mamalayan tapos na ang limang taong kontrata niya sa Singko.

Sa isipan namin, hindi kaya pagre-rebelde ang hindi pagpapapayat ng Megastar sa kanyang home studio?

Right now, ini-enjoy ngayon ni Sharon ang pagre-renovate ng kanyang bahay sa Laguna at pagbe-bake ng cake with her 2 daughters. Tapos na rin ang townhouse nila ni Sen. Kiko Pangilinan na nasa Scout Rallos, Quezon City. Bale worth almost P100-M ang nasabing townhouse, six units, bawat unit ay nagkakahalaga ng P18.5M. Ang engineer at nag-design ng nasabing townhouse  ay brother pala ni Sen. Kiko kaya’t fabulous ang pagkakagawa nito. Super strict ang security, hindi ka basta makakapasok kung hindi ikaw ang may-ari ng unit.

Nabalita na ring may bagong sitcom na gagawin si Sharon sa Singko, ang Madam Chair under the direction of Joel Lamangan. Malamang daw sa June ang airing nito, ayon sa taga- Singko. Siguradong labis itong ikatutuwa ng mga fans ng Megastar.

Ang tanong, pang-primetime naman kaya itong bagong TV show ni Mega?

PALIBHASA TAPOS na ang anik-anik na kadramahan kina Julia Montes at Coco Martin. Ngayon naman, sisimulang  buhayin uli ang naudlot na pag-ibig ni Enchong Dee kay Julia. Siyempre, sisimulan na ang bago nilang teleserye sa Dos.

Matagal ding nanahimik ang actor, nagbigay-daan, hindi umeksena sa kainitan ng pagpo-promote nina Julia at Coco ng kanilang pelikula na flop naman sa takilya.

Pati nga sa 18th birthday ni Julia, hindi dumalo si Enchong para hindi makasira sa mala-fairy tale daw na eksenang magaganap kina Julia at Coco. Pinag-uugnay ang dalawa kahit hanggang soap lang sila tinatangkilik ng manonood. Pilit na pinakikilig ang kanilang fans, pero sa puso’t isipan nila, parehong may iba silang minamahal.

Bakit kailangang magbayad pa sila sa sinehan, samantalang libre nilang napapanood sa telebisyon ang kanilang idolo?

Kung may binitawang matatamis na salita si Coco kay Julia, gimik lang ‘yun para i-promote ang kanilang loveteam at pasayahin ang kanilang mga tagahanga. Ramdam naming si Enchong talaga ang gustong maging boyfriend ni Julia. Nakiki-ride-on lang ang dalaga sa gustong mangyari ng network sa tambalan nila ni Coco. Ngayon tapos na ang palabas, sabay nitong natapos ang ugnayan nila sa isa’t isa. Imposibleng ligawan ni Coco si Julia, matagal nang may girlfriend ang actor.

Ngayon, may sisimulang soap sina Julia at Enchong, medyo nahihiya siyang magsalita tungkol sa binata. Baka isipin nitong gumigimik na naman siya para pag-usapan sila. Pero naiintindihan ng actor kung bakit naputol ang maganda nilang samahan. Umaasa pa rin si Enchong na magiging sila ni Julia dahil nangako itong sasagutin siya kapag sumapit ang kanyang 18th birthday.

I’m sure, sa bagong teleserye nina Julia at Enchong, dito mabubuo ang romansang matagal na nating hinihintay. Abangan…

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

loading...

16 thoughts on “‘Di kasi naalagaan ng network
Sharon Cuneta, halatang ‘di masaya sa Singko

  1. Nakakaloka nagrerebelde pala s chicharon kaya ganyan sya???? Hahahahaa so almost 2/3 of her life nagrerebelde sya?????? Hahahahahahaha

  2. Bakit di sya (sharon) magpa-liposuction o kaya naman eh yung tinatawag nilang Gastric Bypass surgery. It’s a procedure that makes your stomach smaller and allows food to bypass part of the smaller intestine kaya mas madali syang mabubusog. Mayaman naman sya bakit di nya subukan iyon. Hay nako, wish ko lang MOSQUITOES SUCK FAT, NOT BLOOD at sigurado akong maraming doctor tulad ni Dr. Belo at Calayan ang malulungkot kase hihina ang clinic nila. lol!

    • hinde ganun kadali ang gastric bypass automatic change of life style yan para kana on diet at may sakit buong buhay mo, hinde yun ibig sabihin madali k mabubusog, konti lang ang dapat mo kainin dahil pag sobra irereject ng katawan mo yan palabas, pati mga meat konti lang at kailangan nguyain ng todo para tanggapin ng tiyan mo, at higit sa lahat pagtapos mo kumain ng kaka onti ilang oras lang sigurado nasa banyo kana

    • HAHAHAHA. HONGTARAY! EWAN KO BA DITO KAY EDDIE LITTLEBIRD, PAGREREBELDE RAW ANG DI PAGPAPAPAYAT NI MEGA. HAHAHAHA. REALLY?

      • kung pagrerebelde ang tawag ni Eddie Littlewhat ruon, eh kung ganun kalahati na ng buhay ni Sharon eh nagrerebelde na sya. Related kaya siya kay Honasan? joke, hehe!

  3. ng nasa abs hindi na masaya kaya lumipat. ngayong nasa singko hindi inaalagaan kaya siguradong hindi na naman yan masaya, TEH, LIPAT KA NA LANG SA NET 25.

  4. kung dati daniel vs. enrique, ngayon naman enchong vs. enrique. parehong eechos ang dalawang yan. abangan kung sino ang magwawagi.

  5. Jusko wag nyong ipilit si enchong sya ay sirena berde ang dugo kaya di sya umattend sa bday ni julia type nya na sya magsuot ng gown at escort nya si coco khit ikaw eddie littlefield alam mo ang totoong enchong wag kang magpanggap aminin mo

  6. Hay nako Enchong. Magpakatotoo ka. Hindi mo naman kailangang lumabas sa magazine o magpatawag ng press o magpaka BB Gandanghari. Magpakatotoo ka lang. Mala Doogie Howser. Yun lang. Tapos!

Leave a Reply

Your email address will not be published.