‘Di kasi makaalpas sa anino ng amang si Piolo Pascual
Iñigo Pascual, magku-quit na raw sa showbiz

Iñigo Pascual & Piolo Pascual

Iñigo Pascual & Piolo Pascual

Totoo ba ang nabalitaan namin na si Iñigo Pasual ay magku-quit na sa showbiz?

Hindi na raw mag-aartista ang binatang anak ni Piolo  Pasual dahil for so many times na ipareha siya sa iba’t ibang mga puwedeng maging leading ladies niya, tila sablay pa rin at hindi makaungos ang binata.

Ipinareha siya kay Julia Barretto pero waley ganap sa career niya. Sa pelikulang “Relax It’s Just Pag-ibig” akala ko kasi, sila na ni Sofia Andres ang may chemistry, pero mahirap hatakin paitaas ang binata.

Sa recent afternoon serye ng Kapamilya Network, sa simula ay muli siyang ibinalik kay Julia Barretto as a love team, pero in the end, kay Kenzo Gutierrez (of PBB Teens) mas nag-click ang dalaga nina Marjorie Barretto at Dennis Padilla.

‘Yong naging kapartner niya sa afternoon serye na si Miles Ocampo, sa simula pa lang hindi na swak ang chemistry ng dalawa.

Mahirap kasi sa estado ni Iñigo na palaging isinasabit siya sa pangalan ng sikat niyang ama na si Piolo Pascual.

Palaging nakadikit ang pangalan niya sa ama na tuloy hindi makatakas ang binata sa imahe ng ama na sikat, na ewan ko kung maaalpasan niya at  kung hindi man ay mapantayan man lang.

Ang balitang nakarating sa amin, magko-concentrate na lang siya sa pagkanta na ewan ko rin kung makabubuwelo rin si Iñigo, dahil ang ama niya magaling na singer at popular na mang-aawit.

Ang hirap ng estado ni Iñigo, palaging naikukumpara sa ama. Kahit ano man ang gawin niya ay kabuntot pa rin ang anino ni Papa P.

Kawawang bagets. Hindi makabuwelo sa kung ano man ang gusto niyang gawin sa showbiz.

Pakiwari ko’y nabantilawan na si Iñigo Pascual na hindi makabuwelo lalo pa’t wala tayong kamalay-malay na may mga bago, sariwa, at mas magaling na nangangarap mag-showbiz kaysa kay Iñigo na mas napapansin ng publiko.

Reyted K
By RK VillaCorta

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.